-"Thanks, Moma,"
I disposed the face mask I used at sinimulan nang lagyan ng hati ang buhok ko. Ka-facetime ko sina Moma ngayon.
"Twenty ka na, wala ka pa rin bang boyfriend?"
Naialis ko ang tingin sa salamin at dinungaw ang lola ko na napakalawak ang pagkakangiti sa screen.
"Kung magsalita kayo parang ang tanda ko na, ah! Bata pa naman po ako!"
Humalakhak siya mag-isa. I guess nasa telephone pa rin si Mama, may tumatawag daw kasi sa kaniya mula sa cafè. Ngumuso ako at nagpatuloy sa ginagawa. Patuloy siya sa pagpush sa'kin na at this age, I should grab myself a boyfriend!
"Moma, mabait ang apo mo. Study first!" I reasoned out, sabay ngiwi sa sarili.
Napangiwi rin siya sa sinabi ko.
"Uso pa ba 'yan ngayon? Si Nicia nga buntis na, oh,"
"And so? Gusto mo 'kong gumaya sa kaniya?" humahagikhik kong tanong.
"Hindi naman. Basta sa'kin lang, ipakilala mo agad sa'min kung mayroon na,"
Hindi na 'ko nakipagtalo pa. Um-oo na lamang ako at nakipag-asaran sa kaniya. We have been close to each other since mum brought me with her when they got separated.
"Sige na, Bri. Ibababa' mo na, enjoy kayo riyan!"
"Sige po. Ingat kayo ni Mama. Byeee!"
Hinintay niyang ako ang pumatay ng tawag. I wore my yellow cropped top terno, revealing my belly button. It's just casual for this day kahit hindi naman kami lalabas. May bisita pa rin naman ako so I should atleast wear something nice.
I looked at my feet. What should I wear down?
Hinugot ko ang heels sa shoe rack pero binalik din agad iyon kasi masiyadong OA! Bahay lang tapos heels?
"Bri! 'Yong mga pagkain nandito na!"
Tumakbo ako palabas to receive the delivery. Yeah, I chose to order foods for us rather than cooking by ourselves. Mamaya n'yan pumalpak pa 'ko. Tinulungan ako ni Nicia sa pag-aarrange ng mga pagkain sa kusina.
"Naks! May cordon!" palakpak niya nang makita ang paborito niyang ulam sa hain.
"Request 'yan ni Manolo. Favorite niya," I spat while placing the desserts on the side.
"E, si Uno? Anong favorite?" she scoffed.
"Tangina ka!"
Pumitas ako ng isang ubas na nasa basket at binato sa kaniya. Ginamit niya ang isang plato bilang shield.
"Siraulo ka talaga, e,"
She showed me a peace sign. Binato ko ulit at hindi na siya nakapagshield pa. Sapol sa mata. The doorbell alerted so we suddenly stopped. Sinabayan pa 'yon ng katok.
"Nandiyan na sila,"
"Buksan mo na!"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ako? Ikaw na! Liligpitin ko lang mga kalat dito," palusot ko.
Tumango na lamang siya at naglakad papunta roon. Tinapon ko ang mga kalat sa basurahan at inayos muna ang damit bago nagpasiyang lumabas ng kusina. I was only on midstep when I heard their loudness.
YOU ARE READING
Running After The Wind(Manila Encounter Series 1)
Romance"You're like a wind. You always go with no definite direction." Bridgett Aloha Ortiz earns to bolster her living. Though, kaya naman ng mga magulang niyang suportahan siya, she's still intended to do so. She was once betrayed by her own father...