-"Thanks, Mr. Sison. You won't regret signing the contract,"
He smiled and nodded as he took my hand for a hand shake, closing our deal.
"Your words were too nice, Miss Ortiz and I can't say no," tumawa siya.
Kami na lamang ang naiwan dito sa garden ng bahay. Nakahanda naman na sana ang bulwagan ng aming bahay, pero mas ginusto niya na rito na raw pala maaliwalas. And I have no problem with it.
"OREM' is too popular for every industrial company. Swerte pa ako na maging kliyente mo," he complimented.
I grinned shyly. Binaba ko rin ang baso ko na kanina lamang ay iniinuman ko.
"Sobra naman na 'yon, Mr. Sison. Every client is a catch for me,"
Nagsimula na kaming maglakad palabas, mula dito, diretso sa kinatatayuan ng gate.
"Oh, so I probably belong now?"
"Yes po! And thank you for choosing our service!" I said blessedly.
Pagkalabas namin, inabot kaagad ng driver niya ang suitcase na dala at ipinasok sa loob ng sasakyan. Sandali pa siyang nagpaalam bago sumakay at humarurot paalis.
"Congrats, Bri!" Mom shouted as I get back inside the house.
I smiled and giggled in return. Then, ambled towards the direction of the three. Mom, Moma and Vincent. One of my closest friends now.
"He was a big client, Ma. Sinuwerte talaga tayo!" I jumped happily, cheering for so much delightful feeling.
Parang kanina lamang ay hindi ako umiyak, ah? Na-late pa nga ako ng 10 minuto dahil sa pag-sesenti ko sa loob ng sasakyan. It's forgivable naman siguro. I saw him! Clearly, zoomed in, personally with my two own eyes!
Nagbago agad ang ekspresyon ko nang maalala iyon.
"Sabi ko sayo makukuha mo 'yon, e!" proud na sabi ni Vincent, sitting one seat apart from my mother.
Umupo ako roon.
Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat, Vince! Isinalba mo 'ko. At dahil diyan?"
"Ililibre mo 'ko!" he laughed.
Nagthumbs-up ako bilang pagpayag. True enough, he somewhat saved me earlier. Siya ang kumausap kay Mr. Sison while I'm still on my way. Siguro, una pa lang nabola na niya kaya mabilis ko ring nakuha ang loob.
"Ang galing mo talaga sa business, Bri. Mana ka sa'kin," si Moma.
"Weh?" I kid a shot.
Nagtawanan kami dahil nagtalo pa sila ni Mama. Na kesyo hindi naman daw siya ang mahusay sa negosyo kundi si Lolo. It doesn't matter anyway.
After chatting, we ate our late lunch together.
"E, kamusta na nga pala ang kapatid ni Nicia? Babalik ka pa ba ro'n ngayon?"
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang magbukas ng panibagong usapan si Mama.
"Siguro po bukas na lang? Tambak pa kasi ang gmail ko," I replied while thinking.
YOU ARE READING
Running After The Wind(Manila Encounter Series 1)
Romansa"You're like a wind. You always go with no definite direction." Bridgett Aloha Ortiz earns to bolster her living. Though, kaya naman ng mga magulang niyang suportahan siya, she's still intended to do so. She was once betrayed by her own father...