Chapter Three

101 11 3
                                    

Halos mapasiksik ako kay Zemira nang makarating kami sa tapat ng mansyon nila dahil sa sobrang laki nito at mukhang napaka tahimik pa, mukha naman itong bago sa pisikal nitong anyo ngunit parang ghost house na sa sobrang tahimik. May kalayuan ito sa pinaka bayan ngunit may iilang bahay rin naman akong nakikitang malapit nito.


“Siya lang mag isa ang nakatira dito?” pabulong kong tanong kay Zemira nang papasok na kami sa gate.


Ang malapad at matikas niyang likuran lamang ang aking nakikita dahil siya ang nauuna sa’min sa paglalakad, sa likuran naman namin ay yung mga alalay niya kanina.


The pathways is also made of bricks and mortar topped with tile, yet if you step on it, you’ll feel different. It looks like a place where my lungs choose to fill a little deeper and my heart beat a little steadier. Kita ko ang iilang paru-paro sa mini garden nila, maganda ang bahay, kulang lamang sa buhay dahil mukhang tahimik.


“May mga tagapagsilbi siya sa loob na namamahala sa mansyon nila kapag wala siya,” pabulong rin niyang tugon na bahagya pang lumapit sa akin. Nagmistulan tuloy kaming nag tsi-tsismisan sa kanyang likod.


“Nila? Sino? May asawa na siy—oh my gosh,” singhap ko.


Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya muntikan akong mabangga sa kanyang matigas na likod, para akong nabangga sa pader kung natuloy iyon.


“Stop murmuring, I can hear you,” he commented before he started to walk again. Maski na nakatalikod siya ay tila nakikita ko ang pag ngisi niya.


The house was welcoming from the double doors to their wide hallway. Upon the walls were the photograph of children? Tatlo sila, ang dalawa ay lalaki habang yung isa ay babae. May dalawang malaking frame ang pinaka nakaagaw ng atensyon ko, nakasigurado agad ako na siya yung una. He looks so full of authority and arrogance in that picture, na kahit sinong makakakita ay maiintimidate sa dating niya, ni hindi man lang siya ngumiti. His sovereignty is shouting.


“Mommy niya yung nasa isang malaking frame?” I whispered to Zemira again.


“Yes, Lady. Hindi asawa niya ang kasama niya dito,” sagot niya at bahagya pang natawa sa mahinhin na paraan.


Agad akong napalunok. Andito ang nanay niya?


“She’s not here, she have a big responsibility for the Montavilla. Minsan lang siya nakakauwi dito, she’s taking care for the rest of Dallum and—uh, for a stubborn princess.” he stated.


Princess? As in prinsesa? Iyon ba yung pinag uusapan ng mga estudyante sa librerya?


The house was indeed luxurious too, with wooden panels along the corridors, ornate chandeliers, and oil paintings hang on the walls. Mahilig rin siya mag paint? Or yung mommy niya? I also saw a long polished wooden table had been set for three near to their kitchen.


The light was streaming through the gaps in the heavy velvet curtains. Hindi sila takot sa liwanag?


Dalawang palapag lamang ang mansyon ngunit sobrang lawak, malaki rin yung sa amin ngunit doble ito. Hindi niya kami nilingon at dire-diretsong umakyat sa pangalawang palapag, my mouth formed an ‘O’ when he used his vampire speed?


“Lagi ba kayong ganon kapag tumatakbo kayo?” I curiously asked.


She chuckled.


“Depende po, Lady Savannah,” she replied politely, flickering a smile.


My forehead creased.


Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon