Chapter Four

82 10 1
                                    

“Paano ka nakapasok dito? Hindi ko alam na pwede na pala ang mga mortal sa lugar na ito,” usal niya habang nakapako lamang ang tingin sa akin, nakaramdam tuloy ako ng pagkabahala sa aking mukha. Bakit ganto siya maka tingin?


I bit my cheek inside of my mouth while thinking what will I answer to him. Should I tell him?


“I also don’t know, basta naka pasok lang ako dito," medyo may pagsisinungaling kong sagot.


Marahan siyang tumango tango, laking gulat ko nang hindi na niya sundan iyon ng panibagong tanong na konektado rin doon. Pasimple akong sumisilip sa may pintuan dahil baka tapos na mag kwentuhan sila Zemira sa loob at hanapin na ako.


“Your smell, it’s very unusual. Nakakaamoy na ako ng mga mortal ngunit iba ang sayo, it smells so sweet... and addictive,” he informed, before he slightly scratched his nose.


Bahagya ko tuloy inamoy ang aking sarili na naging dahilan ng mahinang pagtawa niya.


“How can you say that? Ano ba’ng pinagkaiba ng amoy ko sa inyo o sa iba?” I asked curiously.


“You have no idea. I can smell your blood. I envy him because he can get closer to you without feeling parched for your blood, kapag mas lumapit pa ako sayo ay baka hindi ko na kayanin. The demon inside me will come out,” he joked.


Kahit na ramdam kong biro lang iyon dahil sa pagtawa niya ng mahina ay nakaramdam pa rin ako ng kaba at konting takot, pakiramdam ko tuloy ay nanlalamig ang buong katawan ko. Should I regret that I went out and ignored Dallas’ instructions?


His lips parted a bit when he saw me stiffened. He raised his both hands.


“Hey, I’m just joking. I’m harmless, I promise. My diet’s only animal blood too,” he convinced.


Naalala ko tuloy yung binasa kong libro noon. Hindi sila umiinom ng dugo ng tao, dugo lamang ng hayop. Edi mas lalong nakaka tempt iyon? Dahil hindi sila nakaka inom ng dugo ng tao kaya mas lalo silang matatakam dito.


“My family taught me to control my thirst over human’s blood. Bata pa lang ako ay kontrolado ko na ang pagkauhaw ko sa dugo ng mga tao. Hindi lang ako sigurado sa pinuno dito sa Zaporia,” he added, the side of his lips curved before he started to speak again.


“You should be more careful with him, not mine.”


My lips twitched.


“I doubt that. He looks so harmless, makatakot lang siya magsalita. At saka,” I paused a bit, tinatantya ko muna siya dahil baka isumbong ako. Napaka sungit pa naman nung lalaking ‘yon.


“At saka?” he tilted his head.


“Masungit at antipatiko,” I added.


He just shrugged while his hands were on the side pockets of his pants. Totoo naman ang aking sinabi, kontra ang mukha niya sa kanyang ugali. Hindi naman siya masungit tignan, ngunit kapag nagsalita at umakto na ay mapapayuko ka nalang.


“Sabagay, mas kilala mo siya kaysa sa akin dahil mas nakakasama mo siya at nakakausap.”


“Hindi mo pa siya nakakausap kahit kailan? Dito ka sa mansyon nila nag ta-trabaho, ‘diba?”


Agad akong napaisip. Well, Dallas’ looks so anti-social. Sa sungit niyang ‘yon ay baka pili lang ang kanyang kinakausap, pihikan. Siguro nakakausap niya lang rin sila Zemira kapag may ibibilin siya o iuutos. Kasing lamig ng pakikitungo niya ang katawan niya.


Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon