Chapter Six

96 9 0
                                    

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang dumating si Dallas at lumabas sila mula sa kwartong ito. It’s late when I realized that I entered the wrong room, this room belong to Dallas. Fucking stupid, Savannah. Sa sobrang kaba at pagmamadali ko ay ibang kwarto na ang napasukan ko nang hindi ko namamalayan. She unnerved me, the way she look... kusa mo nalang maiyuyuko ang ulo mo because of her dominion. She looks so powerful, nakakasindak ang kanyang tindig.


I switched my gaze to the paper bag that Dallas brought, ano na naman ang mga ito? Bra na hindi kasya sa boobs ko?


Ilang minuto pa ay pumasok na rin sila kaya umayos ako sa pagkakaupo, hindi ko na nagawang umalis pa sa pwesto ko dahil sa takot. Dallas looks so unbothered when he entered the room, ang prinsesa ay sumandal lang sa pinto habang mataman na nakatingin sa amin. Mas lalo tuloy akong hindi makagalaw.


“I brought you some foods, you need to eat,” he commanded in a cold voice.


May mga pinag usapan pa sila ngunit hindi ko na ito naintindihan pa. May binanggit na ‘moat’? Doon pumunta si Dallas? Hindi ko na kailangan pa sundin ang sinabi niyang dapat magpanggap akong takot, dahil maski na hindi niya iutos iyon ay nakakaramdam na talaga ako ng kaba at takot ngayon.


“I bet you know how to wear these?” the princess asked as she went closer to me, halos mapaatras ako sa aking pwesto.


Para akong nanliliit sa kagandahan niya. She have that rare beauty, iba ang kagandahan niya. Mapapatulala ka nalang, ngunit hindi ko magawa dahil sa takot na baka'y sitahin niya ako.


Tumango ako nang makita kong contact lense ang kanyang tinutukoy, kulay pula iyon. If I’m not mistaken, it’s the same color of their eyes. Pwede na ba ako makalabas pagkatapos nito? Hindi na asul ang mga mata ko kapag sinuot ko ito, mababawasan na ang pagtataka nila.


After I wore the contact lense—she handed me a necklace, ito daw ang magsisilbing proteksyon ko mula sa labas, pagkatapos ay pinasuot niya ako ng kulay itim na bestida. Minsan ay pasimple akong tumitingin kay Dallas dahil hindi ko na talaga kinakaya ang presensya ng prinsesa sa harapan ko habang siya'y nagbibigay bilin sa akin, ngunit hindi man lang siya lumingon dahil busy siya sa kanyang mga libro. Damn!


This asshole.


Ilang minuto pa ng paninindak bago siya tuluyang umalis, may kalokohan rin pala siya, she's scaring me about Dallas. Napatingin ako sa kwintas na ibinigay nila, it’s a crescent moon with a black lace. Sabi niya ay hindi maaamoy ng mga bampira o lycans ang dugo ko kapag suot ko ito, at hindi nila ako mahahalatang mortal. Ibig sabihin ay pwede na akong pumasok kung ganon?


“Hide that necklace under your shirt, don’t let anyone stole it. Huwag mo ‘yan tatanggalin kapag lalabas ka,” he stated as he continue to read, ang mga mata niya ay nanatili pa rin sa kanyang libro.


Ipinasok ko iyon sa aking damit bago muling nagtanong.


“It means pwede na ako lumabas? Pwede na akong pumasok?” natutuwa kong tanong habang pinagsalikop pa ang aking mga kamay, bago bumaba mula sa kama niya.


He glared at me, making me pout my lips. Saksakan ng sungit, if I know sa’kin lang siya ganito, mukha naman siyang mabait sa iba.


“When you go out, make sure to bring Aurelia or Zemira with you, they can accompany you. About the classes, you can’t go to schoo—“


“Bakit?!” halos matampal ko ang aking noo dahil sa biglaang pagsasalita. I just can’t deal with it, nagulat lang ako, ang pagpasok nalang sa klase ang pwedeng maging dahilan ng paglabas ko tapos hindi pa pwede?


Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon