Chapter Seven

87 10 9
                                    

"Always be aware, don't you ever remove that necklace from your neck. Huwag ka basta bastang makikipag kaibigan hangga't hindi ko alam kung sino," he reminded, again.


Naglalakad pa lang kami papunta sa kotse niya ay puro na naman siya paalala, hindi ko na mabilang kung ilang beses niya iyan sinabi mula pa kahapon. Habang kumakain ako ng dinner, dinadaldal niya, pati kaninang nag be-breakfast ako—panay pa rin ang paalala niya, hanggang ngayong papasok na kami.


"Kapag may pupuntahan ka, m—"


"Magsabi ako sayo dahil hindi ko pa memoryado ang mga pasikot-sikot dito,"


He rolled his eyes.


"When you're going to eat, ma—"


"Make sure that no one's watching."


"When someone invited you to hunt, tell them you—"


"You already drink animal blood earlier."


Now he raised his eyebrow, I just shrugged.


"Narinig ko na po lahat ng 'yan, kamahalan," I snapped.


He clicked his tongue, "Buti sana kung iniintindi mo rin, hindi mo lang pinapakinggan," pagsusungit niya bago pumasok sa loob ng kotse niyang mukha na namang mamahalin, napasimangot nalang ako bago pumasok rin doon.


Pinasadahan ko ng ang uniporme ng paaralan nila, parang pang mga koreana lang, uso rin pala sa kanila ang ganito? Pakiramdam ko tuloy ay bampira na rin ako, naninibago ako sa kulay ng aking mga mata. Ano kaya ang pakiramdam kapag katulad ko talaga sila?


"You already memorized the schedule of your classes?" he asked while his eyes remained focus on the road. I can smell his intoxicating scent filled his car, bigla tuloy akong na conscious sa amoy ko ngayon.


"Yeah, wala akong alam maski isa," I awkwardly stated before I scratched the back of my head.


Karamihan nga sa mga subject nila ang pang bampira lamang—history, enhancing abilities, restraining, meron pa yung subject na kung saan matututunan mo gumawa ng mga armas, sino naman kaya ang nakaisip non?


"Just go with it. Huwag mo kakalimutan ang katauhan mo kapag may nagtanong, sabihin mo na galing ka ng ibang bansa at anak ka ng isa sa tagapagsilbi sa mansyon namin," aniya, tumango tango na lamang ako. Sana ay hindi ko makalimutan iyon, baka ang masabi ko ay taga Manila ako.


Pagkarating namin ay agad siyang nag park sa may basement, sabi niya ay dito daw sila nagpa-park nila Carson, yung nakilala ko nung isang araw. Tatlong sasakyan lang ang naabutan namin dito.


"VIP?" natatawa kong tanong.


Hindi siya sumagot at sinukbit lang ang kanyang bag bago tuloy tuloy na naglakad paalis. Umawang ang labi ko dahil doon, he's so rude! Imposibleng hindi niya narinig ang tanong ko, umaakto na naman siya na parang walang narinig. Gawin ko rin kaya sa kanya 'yon? Damn.

Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon