Chapter Five

86 11 0
                                    

Halos mapilas na ang aking labi dahil sa pag ngiti nang bumaba ako sa hagdan habang dala dala ang tray na pinaglagyan ng hinandang pagkain ni Dallas. I still really can’t believe it, he can cook even though he’s a vampire? Sabagay ay puro prito lang naman iyon, pero kahit na... paano niya nalaman ang mga pagkain namin?


I stopped walking when I saw him at the living room, reading with his book. He’s wearing a white longsleeve polo, naka tupi ang sleeve non hanggang siko niya, and a black slacks with his closed lacing oxford shoes. Maluwag na rin ang kanyang neck tie. Ang pagkakaalam ko ay may pasok sila ngayon? Gusto ko rin sana pumasok ngunit gaya ng sabi niya ay hindi daw muna ako pwedeng lumabas labas.


“You woke up early,” his monotonous voice instantly filled my ears, halos mapatalon pa ako sa gulat dahil do’n. His eyes were focused on the book that he’s reading, I didn’t expect na mapapansin niya ang presensya ko.


Well, he’s a vampire, his senses are fast. Oo nga pala.


“Hindi na ako nakatulog mula kaninang...”


I stunned when his bloody-red eyes met mine, mula sa libro ay binaling niya na ang kanyang tingin sa akin, napalunok ako dahil sa lalim ng kanyang tingin. Lalo na nang dumapo iyon sa tray na hawak ko.


”—kaninang madaling araw,” dagdag ko.


“Inubos mo, you didn’t leave. What an obedient human,” the side of his lips curved as he closed the book that he’s holding.


My lips twitched. Parang kahapon lang ay sinabihan niya ako na matigas ang ulo, tapos ngayon masunurin na dahil kinain ko ang luto niya at hindi ako umalis? Mabilis ako maka appreciate ng mga bagay, maliit man o malaki, I’m still thankful.


Mas lalo niyang inilihis ang sleeve niya hanggang siko bago kinuha ang babasaging baso sa harapan niya, his eyes doesn’t left mine as he drank on his glass. Agad kong nalaman na dugo iyon nang kumulay ito sa kanyang labi at iyon lang rin naman ang alam kong iniinom nila, maliban nalang kung meron pa ngunit hindi ko alam.


His lips became more red because of that, I gulped when he licked his lower lip. Agad ako umiwas ng tingin doon. Damn, why he looks so hot in my eyes again? He really have this greek god face, I started to wonder kung may girlfriend ba siya? Or gaya sa mga nababasa ko, mate?


Tumikhim ako dahil nakakabingi na ang katahimikan namin, asan ba sila Aurelia at Zemira?


“How did you learn to cook?” I asked as I walked way to his kitchen.


Dumiretso ako sa sink para maghugas ng mga pinagkain ko doon, but to be honest, hindi ako marunong. I mean—alam ko, pero hindi ko alam kung tama ba ang magagawa ko. I guess ito rin ang disadvantage kapag nasanay ka sa marangyang buhay, kaya kapag naiwan ka na mag isa ay wala kang alam sa gawaing bahay. I’m really regretting na sinanay ko ang sarili ko na laging may tagapag silbi.


When I didn’t hear him answer my question, I asked another question. Masasayang ata laway ko sa bampirang ito.


“Wala ka bang pasok?” tanong ko habang sinasabon ang mga plato na hindi ko alam kung nalilinisan ko ba talaga.


“I have,” walang emosyon niyang sagot, hindi ko siya makita dahil naka talikod ako sa kanya.


“E bakit ka andito?”


Damn, Savannah, bakit ba ang dami mong tanong? I just can’t stand with this, hindi ako sanay ng walang kausap. I suddenly miss my girls, the cheering squad, kamusta na kaya sila? I didn’t open my accounts yet, I’m afraid they might track my current location.


Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon