Chapter Eight

73 8 2
                                    

"I told you to avoid him!"


Napaigtad ako nang agad dumagundong ang boses niya sa loob ng mansyon pagkapasok na pagkapasok pa lang namin. Maski sila Aurelia at Zemira ay napa pasok sa kanilang silid dahil sa takot. Hinagis niya ang kanyang bag sa sofa habang nanatiling nakatayo at nakatalikod sa akin, napalunok nalang ako bago marahang lumapit doon. Tinanggal niya ang kanyang necktie at hinagis lang rin sa kung saan doon. He looks so pissed.


"I-I jus—"


"Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo, Savannah?" aniya gamit ang nagpipigil na boses.


Bakit ba ganito nalang siya kagalit? Adriel looks so harmless! Ilang araw niya ng alam na mortal ako, pero wala namang naipapakalat dito, wala rin namang nangyayaring masama sa akin kapag kasama ko siya. Anong problema?


"Ano ba ang problema kapag nakakausap ko siya? Wala naman siyang ginagawang masama. Nakakatulong siya sa akin! He can be my friend haba—"


"You don't know him."


"And you do?"


He groaned in annoyance before he faced me, I can see the anger in his eyes. Mas pumula pa ang kanyang mga mata dahil sa galit habang matalim na nakatingin lang 'to sa akin. Hindi ko magawang kumilos dahil sa lalim ng mga tingin niya.


"Can you just trust me?" madiin niyang tanong.


My forehead creased, inis kong kinamot ang aking ulo.


"Hindi kita maiintindihan hangga't hindi mo sinasabi kung anong meron kay Adriel! Kung bakit ayaw mong nakakausap o nakakasama ko siya, because I'm not your prisoner! Hindi rin ako manghuhula para alamin ang problema mo!" inis ko na rin sambit.


We're always fighting over this goddamn thing, hindi ko naman alam ang rason niya. Lagi siyang naiinis, lagi siyang nagagalit sa akin, pero hindi ko naman naiintindihan ang dahilan niya. Wala na akong maintindihan!


Napahilot siya sa kanyang sentido habang ang isang kamay niya ay nasa kanyang bewang, tila hirap na hirap sa akin. Ano na naman ba ang nagawa ko?


"I already told you, you can't just trust anyone that easy. Hindi pa ba sapat na rason 'yon?"


"Adriel is harmless!"


"Ang kulit mo, Savannah," inis niyang sambit, he's now massaging the bridge of his nose while shutting his eyes. He looks so frustrated.


"Mas makulit ka! I'm asking you why, give me specific reason!"


Hindi ko na rin mapigilan, naiinis na rin ako sa kanya. Para akong tuta na sunod ng sunod sa kanya, pero hindi naman niya ineexplain sa akin lahat. I know he's doing this not just for me, para rin sa mga nasasakupan niya dito sa Zaporia. Ang hindi ko lang maintindihan, ay yung kay Adriel.

Beyond The Pale (Montavilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon