Isang umaga aalis si Gracia,bihis na bihis siya." Ay naku! ang ganda ng umaga,sana maganda rin ang mangyari sa akin sa araw na ito."
Naglalakad siya sa tabi ng kalsada ng may biglang dumaan na motor at natalsikan ng putik ang suot niyang polkadot na palda." Haaayyy! ano ba yan?! ang palda ko."
Sa sigaw na yon ni Gracia tumigil ang motor,lumingon ang lalaking sakay nito at bumaba,nilapitan niya si Gracia.
" Naku! Miss, pasensya na,pasensya na talaga."
" Anong pasensya?! alam mo bang isang oras akong naligo! at ito,itong suot kong palda,paborito ko pa naman to ngayon puno na ng putik,anong gagawin ko?hindi na ako makakapunta sa pupuntahan ko dahil sa itsura ko at dahil sayo!"
" Naku! Miss pasensya na talaga papalitan ko na lang yang naputikan mong palda,tara na."
" Anong tara na?"
" Umangkas ka na lang dito sa motor ko."
" Ayoko nga baka kung saan mo pa ako dalhin."
" Miss, magtiwala ka sa akin,gusto ko lang palitan yang naputikan ko."
" Sige na nga."
Pumunta sila sa isang tindahan ng damit.
" Miss,pasensya na kung hindi polkadot na design ang ipinalit ko sa palda mo,wala na kasi silang stock."
" Ok lang."
" Talaga."
" Oo,ok lang napalitan mo na naman at saka kanina ka pa humihingi ng pasensya,tama na kota ka na,pinapatawad na kita aksidente lang naman yung nangyari."
" Miss,kung hindi mo mamasamain pwede bang malaman ang pangalan mo?"
" Oo naman,Gracia,Gracia Amor ang pangalan ko."
" Ang ganda naman ng pangalan mo,kasing ganda mo."
" Ikaw, anong pangalan mo?"
" Ako,wag na nakakahiya."
" Bakit naman?"
" Pedring, ako si Pedring."
" Ha! ha! ha! Pedring."
" Sabi na nga ba pagtatawanan mo ako."
"Alam mo di bale ng pangit ang pangalan mo,gwapo ka naman at mabait."
" Talaga,salamat."
" Kaya naman Pedring, ikinagagalak kitang makilala, pero kailangan ko ng umalis,marami pa kasi akong gagawin."
" A ganon ba,sige ako din may pupuntahan pa ako."
" Sige."
Nang maglakad si Gracia palayo,nakatingin sa kanya si Pedring.
"Gracia!"
Sa tawag na yon ni Pedring, napalingon si Gracia,sa paglingon ni Gracia nag-iba ang tingin ni Pedring,parang nag slowmotion at nang magkatinginan sila parang tumigil ang oras at bumilis ang pintig ng kanilang mga puso.
" Pedring,bakit?"
" Sana magkita tayong muli, Gracia Amor."
" Siguro,sana nga,hanggang sa muli Pedring."
Pero sa mga oras na yon parang ayaw nilang mahiwalay sa isat isa,kahit na ngayon pa lang sila nagkakilala.
BINABASA MO ANG
One Week Love Story (Tagalog)
RomanceIto ang kwento ng pag-ibig nina Pedring at Gracia Amor,pagmamahalan na nangyari lamang sa loob ng isang linggo. Si Pedring ay isang simpleng binata na lumaki sa probinsya kasama ng kanyang mga magu...