Abala si Gracia, marami siyang ginagawa sa araw na ito kaya naman hindi na niya napansin ang oras.
"Ano ba yan?! sobrang dami kong ginagawa,teka lang ano bang oras na? ay naku! may usapan nga pala kami ni Pedring."
Nagmadaling nagbihis si Gracia at umalis.Pagdating sa park nakita ni Gracia na nakatalikod si Pedring kaya tinawag niya ito
" Pedring!".
Nang humarap si Pedring may kakaibang naramdaman si Gracia, bumilis ang tibok ng kanyang puso.
" Gracia."
" Pedring pasensya ka na, nakalimutan ko kasi na magkikita tayo."
" Hindi ok lang, ang mahalaga nandito ka na."
" Siguradong naghintay ka ng matagal."
" Alam mo Gracia, kahit na maghintay ako habangbuhay, hihintayin kita."
Nagkatinginan sila sa kanilang mga mata at ngumiti sa isat isa.
" Siya nga pala Gracia, may ibibigay ako sayo."
" Violet na cattleya,Pedring saan ka nkahanap nito? mahirap hanapin ang bulaklak na ito."
" Gracia, walang imposible kapag ginusto mo."
" Salamat,Pedring."
" Umupo muna tayo baka mangalay ka."
Pinunasan muna ni Pedring ang uupuan ni Gracia.
" Sige, umupo ka na."
" Salamat."
" Ang ganda ng mga bulaklak dito, ang ganda nilang pagmasdan, mahilig kasi ako sa mga bulaklak pero ito ang pinakapaborito ko, itong binigay mo, salamat."
" Walang ano man Gracia, basta para sayo ibibigay ko."
"Pedring, tatapatin na kita, ano bang ibig sabihin nito? nitong mga ginagawa mo?"
" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kita, Gracia Amor mahal kita, mahal na mahal."
" Pedring nung lunes lang tayo nagkakilala, napakabilis naman, baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo para sa akin."
" Hindi Gracia, dahil sinasabi ng pusot isip ko at ng buo kong pagkatao na mahal kita."
" Pedring, pasensya na dahil sa ngayon hindi pa ako handa."
" Ok lang Gracia, ang mahalaga nasabi ko sayo ang nararamdaman ko at handa akong maghintay."
Hinawakan ni Pedring ang kamay ni Gracia.
" Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan ang kamay mo, na mahawakan ang kamay ng babaeng mahal ko."
" Alam mo bilib ako sayo, ang bilis mong manligaw."
" Mabuti na yung mabilis kaysa naman maunahan ako sayo."
" Ha! ha! ha! lagi mo na lang akong pinapasaya."
" Talaga, e di sagutin mo na ako."
" Pedring di ba sabi ko nga hindi pa ako handa, ang kulit mo naman e."
" Sige hindi na kita kukulitin, pero wag kang magsisisi kapag napunta ako sa iba,ang dami kayang mga babaeng nagkakagusto sa akin."
"A...talaga ako pa ang magsisisi,e di sa kanila ka na lang."
" Nagseselos ka no!"
" Hindi no! hindi ako selosa at saka hindi pa naman tayo di ba."
"Gracia ito seryoso na, yung nararamdaman ko sayo, totoo yon mahal kita,sana paniwalaan mo ako."
" Naniniwala ako sayo Pedring at ikaw lang ang lalaking sasagutin ko, ha! ha! ha!"
Ang ningning sa kanilang mga mata at ngiti sa kanilang mga labi sa mga oras na yon ay walang katulad.
BINABASA MO ANG
One Week Love Story (Tagalog)
RomanceIto ang kwento ng pag-ibig nina Pedring at Gracia Amor,pagmamahalan na nangyari lamang sa loob ng isang linggo. Si Pedring ay isang simpleng binata na lumaki sa probinsya kasama ng kanyang mga magu...