Kabanata 6 Sabado

54 0 0
                                    

                              Naisip ni Gracia na sorpresa niyang dalawin si Pedring sa tinutuluyan nitong bahay, nagdala siya ng special lomi para mas lalo itong matuwa. 

                          Hindi na siya tumawag o kumatok dumiretso si Gracia sa pintuan at binuksan ito, pero isang tagpo ang hindi niya inaasahang makita.

                          Nakaluhod si Pedring habang hawak hawak ang kamay ng isang babae.

" Will you marry me?"

                                     Hinalikan nito ang kamay ng babae.

" Oo, pakakasalan kita Pedring."

                                 Pagkatapos ay nagyakapan sila. 

                         Hindi nakapagsalita si Gracia sa kanyang nakita, hanggang sa nalaglag ang kanyang daladala.Napalingon si Pedring at napatingin din ang babaeng kasama niya.

" Gracia."

" Anong ibig sabihin nito Pedring?"

                               Tumakbo si Gracia palayo at umiiyak.

" Sandali! Gracia! magpapaliwanag ako!"

                      Hindi na hinabol ni Pedring si Gracia dahil pinigilan siya ng kasama niyang babae. 

" Pedring, ako na ang bahala, ako na ang magpapaliwanag sa kanya, diyan ka lang."

                                      Sinundan ng babae si Gracia.

" Gracia! sandali!"

                                   Huminto si Gracia.

" Bakit mo ako kilala? at sinundan mo pa talaga ako."

" Gracia, totoo nga pa lang maganda ka."

" Ikaw ang babae ni Pedring, niloko niya ako at magpapakasal na kayo."

" Ha! ha! ha! ay naku Gracia, oo nga pala bago ang lahat, ako nga pala si Consolacion, si Pedring magkaibigan lang kami."

" Magkaibigan, sinungaling."

" Hindi ka naniniwala? halika umupo muna tayo dun,ipapaliwanag ko sayo ang lahat."

" Alam mo Gracia totoong magkaibigan lang kami ni Pedring at saka hindi ko type yon, may sasabihin ako sayo pero wag mong sasabihin kahit na kanino."

 " Ano yun?"

" Kasi babae rin ang type ko."

" Babae?"

" Oo, babae, kasi tomboy ako, dapat nga Conrado ang pangalan ko hindi Consolacion pero hindi ako pwedeng maglantad dahil papatayin ako ng tatay ko, kaya ko nga naging kaibigan si Pedring dahil nauunawaan niya ako."

" Totoo ba ang mga sinasabi mo?"

" Gracia, totoo ang mga sinasabi ko, mahal na mahal ka ni Pedring.Naiinggit nga ako sa kanya dahil siya may kasintahan na kasing ganda mo, samantalang ako kailangan ko pang magtiis magdamit babae, nakakainis wala akong kalayaan."

" E, ano yung nakita ko kanina?"

" Yon, para talaga yon sayo, Gracia masuwerte ka kay Pedring dahil mabait siyang tao at saka sigurado akong totoo ang pag-ibig niya para sayo."

                           Hindi nakapagsalita si Gracia dahil para siyang nakokonsensya.

" Sige, Gracia aalis na ako, pupuntahan ko pa kasi yung babaeng type kong ligawan."

" Consolacion, salamat at pasensya na."

" Walang ano man, sige mahalin nyo ang isat isa, ok."

                       Ngumiti si Gracia kay Consolacion hanggang sa tuluyan na itong umalis. 

One Week Love Story (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon