Maagang nagpunta si Pedring sa park kung saan sila nagkita ni Gracia. inabot na ng gabi si Pedring sa paghihintay kay Gracia, wala siyang kasiguraduhan kung darating ito o hindi pero matiyaga siyang naghintay, hanggang sa nagdesisyon na siyang umalis.
" Pedring! aalis kana? akala ko ba hihintayin mo ako kahit na habang buhay pa."
" Gracia dumating ka, akala ko kasi hindi ka na dadating."
" Dumating ako dahil naiinis ako sayo."
" Bakit?"
" Naiinis ako dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil sayo, naiinis ako dahil ginulo mo ang buhay ko! pati na rin ang puso ko!"
Pinagsusuntok ni Gracia si Pedring gamit ang dalawa niyang kamay.
" Naiinis ako sayo!"
Pinigilan ni Pedring si Gracia at hinawakan niya ang dalawang kamay nito.
" Bakit? Gracia bakit? hindi kita maintindihan."
Tumingin si Gracia sa mga mata ni Pedring habang umiiyak.
" Hindi mo ba naiintindihan? naiinis ako sayo dahil mahal kita! hindi ko maintindihan kung bakit minahal kita, mahal kita Pedring."
" Tototo ba ang narinig ko na mahal mo ako?!"
Niyakap ni Pedring si Gracia.
" Gracia."
Pagkatapos yakapin ni Pedring si Gracia pinunasan niya ang mga luha nito at hinawakan niya ito sa mukha.
" Gracia, nung sinabi ko sayo na mahal kita, natakot ako na baka hindi mo ako mahalin, pero ngayon para akong nananaginip nang sabihin mong mahal mo ako."
" Pedring, mahal kita! mahal kita! mahal kita! paulit ulit ko yung sasabihin para magising ka sa panaginip mo."
Hanggang sa magkatawanan na sila.
" Pedring wag mo akong sasaktan, wag mo akong lolokohin, wag mo akong iiwan ayoko nang mag-isa, sawang sawa na akong palagi na lang akong iniiwan."
" Pangako ko sayo Gracia na hinding hindi kita iiwan, mamahalin kita ng walang katapusan."
" Talaga, totoo, baka naman nagsisinungaling ka lang sa akin."
" Gracia Amor, ngayong natanggap ko na ang matamis mong oo, wala na akong maihihilang pa."
" Bolero ka talaga."
" Ibibigay ko sayo ang mga bituin, ang buwan, ang langit, ang lupa, ang lahat ng klase ng bulaklak, ang lahat ay ibibigay ko sayo."
" Ayoko nga."
" Bakit naman?"
" Dahil ang gusto ko Pedring yung pagmamahal mo, yun lang."
" O, e di, ibibigay ko sayo ang buong puso, kaluluwa at pagkatao ko, sayo lang ako mahal kong Gracia Amor."
Niyakap nila ang isat isa ng walang kasing higpit.
BINABASA MO ANG
One Week Love Story (Tagalog)
RomanceIto ang kwento ng pag-ibig nina Pedring at Gracia Amor,pagmamahalan na nangyari lamang sa loob ng isang linggo. Si Pedring ay isang simpleng binata na lumaki sa probinsya kasama ng kanyang mga magu...