Sa isang restaurant,daladala ni Gracia ang inorder niyang kape ng biglang may nabunggo siyang isang lalake.
" Ay! naku! pasensya na,namantsahan ko ang polo mo."
Dali daling ipinunas ni Gracia ang hawak niyang panyo sa polo ng lalake,hinawakan ng lalake ang kamay ni Gracia,nang magkatinginan sila.
" Gracia Amor."
" Pedring."
" Masaya ako na nakita kita ulit Gracia."
" Ako rin kaya lang namantsahan ko ang polo mo,pasensya na ang tanga ko kasi nabunggo kita."
" Buti nga ako yung nabunggo mo di nagkita tayo ulit at saka ok lang na namantsahan mo ang polo ko e di pantay na tayo."
" Oo nga no, ha! ha! ha! "
" Ang ganda mo talaga Gracia,lalo na kapag tumatawa ka."
" Bolero ka talaga,hayaan mo papalitan ko na lang yang polo mo."
" Naku! wag na."
" Pedring di ba yung sa akin pinalitan mo,e di papalitan ko rin yung sayo."
" Wag na ok lang."
" Talaga, sige ililibre na lang kita ng pagkain."
Umorder si Gracia ng 2 special lomi.
" Lomi,paborito ko to ah,paano mo nalaman?"
" Talaga Pedring, e paborito ko rin to,pareho pala tayo."
Masayang kumain ng lomi sina Pedring at Gracia.
" Ay naku! ang sarap, waiter!"
" Yes, Sir."
" Magkano?"
" Teka lang Pedring, di ba ako ang magbabayad?"
" Gracia, ako na,ako ang lalake kaya ako ang magbabayad."
" Sige na nga."
Nang matapos silang kumain naglakad lakad muna sila sa labas.
" Pedring nakakahiya naman sayo,namantsahan ko na nga yang polo mo tapos nilibre mo pa ako,salamat."
" Walang ano man yon Gracia,dapat nga ako ang magpasalamat sayo kasi masaya ako kapag kasama kita."
" Ako rin Pedring masaya ako kapag kasama kita,ewan ko ba,kahapon lang kita nakilala pero magaan na kaagad ang loob ko sayo."
" Gracia pwede bang magkita tayo ulit bukas? kung wala kang gagawin?"
" Oo naman,sa may park dun tayo magkita,dun sa may bahaging maraming bulaklak,mahilig kasi ako sa mga bulaklak."
" Ano ba ang paborito mong bulaklak?"
" Cattleya,yung violet na cattleya."
" Kakaiba ka talaga Gracia,iba ka sa lahat."
" Pedring, sige aalis na ako."
" Aalis ka na?"
" Pedring kanina pa tayo magkasama,inabot na nga tayo ng gabi."
" Ay! oo nga,pasensya na hindi ko napansin."
Hindi pa man nakakalayo si Gracia, ng tinawag siya ni Pedring.
" Gracia!"
" Bakit?"
" Bukas wag mong kakalimutan ha, hihintayin kita."
" Ok, sige Pedring aalis na ako."
" Sige."
" Pedring aalis na ako."
" Sige."
" Pedring ang kamay ko hawak mo."
" Ay,pasensya na."
Sa kanilang pag-uwi kapwa sila may mga ngiti sa labi at hanggang sa pagtulog, naiisip pa nila ang isat isa.
BINABASA MO ANG
One Week Love Story (Tagalog)
RomanceIto ang kwento ng pag-ibig nina Pedring at Gracia Amor,pagmamahalan na nangyari lamang sa loob ng isang linggo. Si Pedring ay isang simpleng binata na lumaki sa probinsya kasama ng kanyang mga magu...