Kabanata 7 Linggo

72 0 0
                                    

                            Hindi pa rin mapakali si Pedring dahil hindi pa niya nakikita si Gracia, nag-aalala siya na baka galit pa rin ito sa kanya.Kaya naman nagpunta si Pedring sa park kung saan sila nagtatagpo ni Gracia. 

                        Muli, matiyaga siyang naghintay doon, nagbabakasakaling magkita sila ni Gracia.At hindi nga nabigo si Pedring dahil sa mga oras na yon, habang nakatalikod si Pedring ay nakatingin na pala sa kanya si Gracia.

                          Tumakbo si Gracia palapit kay Pedring at niyakap niya ito.

" Pedring patawarin mo ako kung hindi ako nagtiwala sayo."

                           Nagulat si Pedring habang nakatalikod.

" Gracia, nagbalik ka."

              Nang humarap si Pedring, nakita niya ang mga luha ni Gracia, kaya agad niya itong pinahiran.

" Wag kang umiyak mahal ko."

" Pedring patawad."

" Wala yon, kalimutan mo na yon, ang mahalaga magkasama tayo ngayon, Gracia ito nga pala para sayo."

" Mga violet na cattleya."

                          Inilagay ni Pedring ang isang cattleya sa tenga ni Gracia. 

" Yan, lalo kang gumanda."

" Slamat, Pedring."

                     Biglang lumuhod si Pedring kay Gracia at inilabas ang isang napakagandang singsing.

" Gracia, alam kong sobrang mabilis ang lahat, pero alam ko sa aking puso na ikaw ang babaeng pinakamamahal ko at gusto kong makasama ka habang buhay, Gracia Amor, pumapayag ka bang magpakasal sa akin?"

" Oo, Pedring, payag akong maging asawa mo."

                     Isinuot ni Pedring ang singsing sa daliri ni Gracia, pagkatapos ay nagyakapan sila. 

" Gracia Amor, isang linggo kitang minahal, mamahalin kita bukas at mamahalin kita ng walang hanggan."

" Pedring, mamahalin kita hanggang sa maubos na ang mga petsa sa kalendaryo, mamahalin kita ng walang katapusan."

                 Nagpakasal sina Pedring at Gracia, ang bawat araw, buwan at taon ng kanilang pagsasama ay naging masaya. 

                   Nagkaroon sila ng 3 anak at meron na rin silang mga apo.Pagkaraan ng 50 taon mula ng sila'y nagmahalan, hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nila ang isat isa.

               Ang lovestory nina Pedring at Gracia Amor ay magpapatunay na hindi mahalaga kung gaano kaiksi o kahaba ang pagmamahalan ng dalawang tao, dahil ang mahalaga ay kung gaano katotoo ang pag-ibig nila sa isat isa, dahil yon ang tatagal ng hindi lang isang linggo kundi habangbuhay.

One Week Love Story (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon