6. Newcomer

8 1 0
                                    

BLAZE

"Tama na 'yan boys. You can continue that later. Go to your seats now."

Tumunog na ang bell kanina at nasa classroom na ang adviser naming si Sir Henz. Sakto namang natapos ang match bago siya dumating.

"Lintik na hangover naman kasi! Wala tuloy ako sa kundisyon. Kayang-kaya ko naman talagang i-knock out 'yong si Jude." pagdadabog ni George.

Umupo siya sa tabi ko habang inaayos ang nagusot niyang uniform.

Wala talagang binatbat itong si George. Puro lang satsat ang alam. Talo na naman tuloy. If he's always like that, Uno will be pissed off. He hates losers.

"Before we proceed to our business today, let me first inform you that your section has a new member."

Teka. Did I hear him right? May bagong salta? Hindi basta-basta tumatanggap ng transferee ang PHS lalo pa at nagsimula na ang school year. Maliban na lang kung galing ito sa prominenteng pamilya o kung ang magulang nito ay isang alumna.

Hinanap ko ang bagong dating. Wala siya dito sa likod at wala rin siya dito sa row namin. Nalipat sa harapan ang tingin ko at nakita ko ang isang lalaking tumayo sa upoan niya.

With so much confidence, the newcomer stood in front of the class. Doon siya mismo sa harapan, sa tabi ni Sir Henz.

"Hi everyone! I'm Rhygel Dela Rosa." pagsisimula niya.

He gave so much emphasis to his surname. Para bang napaka-halaga na malaman namin kung saang pamilya siya galing.

"I know what you're thinking. Yes. You're right. I'm the only son of the founder and CEO of the Dela Rosa Group of Companies."

Listening to him now, halatang punong-puno ito ng kayabangan sa katawan.

His smile is too wide I could even count his teeth. Napansin ko namang nagbubulongan na ang iba kong mga kaklase and the guy is enjoying the sudden attention.

"And let me add this. The heir of a powerful empire is now a student of this school and now your classmate." dagdag niya.

Narinig ko ang pagtawa ni Uno sa tabi ko. He is so good at this. Laughing sarcastically is really his thing. Some find it intimidating, but for me, I find it lame. Para siyang babaeng naghahanap ng kasabunotan.

"Wala kaming pake." he blurted out.

"What did you say?" tanong ng bagong dating.

Tumayo bigla si Uno. Heto na naman siya. He's being childish and impulsive again. Hindi niya dapat pinapatulan ang ganitong bagay. Pero hindi na ako magugulat 'cause Uno is Uno.

"Ang sabi ko wala kaming paki-alam. Look. You are not the only privileged person here in this room. We all are. Lahat ng nandito ay mga anak ng mayayaman at makapangyarihan. Huwag kang masyadong mayabang."

Everyone became silent and dazed, but the newcomer just smirked at him. Mukhang hindi man lang siya natinag. This guy has guts. At bago pa magka-initan ay pinaupo na sila ni Sir Henz.

"Bro, mukhang hindi alam ng gago ang pinasok niya." bulong naman sa akin ni Ice mula sa likod.

I guess he's right. He came to this school, to this section clueless.

A naive creature has entered a dangerous territory.

Tinignan ko ang hari na tahimik lang habang nagmamasid. I'm sure the coming days will not be as monotonous as before. I can't help but feel excited.

"Welcome to hell, fool." I silently muttered. He just opened the door to hell.

***

RHYGEL

The whole class just ignored me. After that little encounter with a classmate, tila nawalan na sila ng interes sa akin. I'm so pissed. Hindi ganito ang gusto kong epekto ng pagdating ko.

I don't get them. Classmate nila ang isang Rhygel Dela Rosa. They should be pleased, right?

Kaninang breaktime ay nagyaya ako sa kanilang magmeryenda sa cafeteria. I even offered to treat everyone. Kaso walang pumansin sa akin. Nawalan tuloy ako ng gana at tumambay na lang dito sa classroom.

"The devil's circle is having a party this weekend."

Narinig ko ang pag-uusap ng tatlo kong kaklase na kakapasok lang.

"It's been a while. Ano kayang ganap?" tanong ng lalaking may hikaw sa kanang tenga.

I don't intend to eavesdrop, but I got curious. Devil's circle? A party?

"This is what I heard earlier. The devil's circle is welcoming another member." pabulong na sabi ng isa.

Kanya-kanyang reaksyon naman ang dalawang kasama nito. Based from what I'm hearing right now, the devil's circle seems to be something significant. Parang napaka-big deal kasi nito sa kanila.

Nagpatuloy ako sa pasimpleng pakikinig sa usapan nila. If Jacobwill see me now, he will tease me for sure. Para akong isang tsismosong kapit-bahay.

It took them a while to finish their conversation. Gusto kong sumali sa kanila kanina pero nagpigil ako. They must not know that I'm listening to them.

Nalaman kong gaganapin ang party sa isang sikat na bar. Nakaka-inis dahil hindi ko natandaan iyong pangalan. Magtatanong na lang ako kay Uncle Ace. Sigurado akong pamilyar siya sa mga bars dito. Iyon pa!

Natapos na ang break kaya isa-isa na silang nagsibalikan sa classroom.

Our third subject is Physics. Kahit na mag-uumpisa na ang klase ay marami pa ring mga vacant seats. Ibig sabihin ay may mga kaklase pa akong nasa labas at late na papasok.

After several minutes, a middle-aged man wearing a long-sleeve polo entered the classroom. He looks like a typical teacher. Pero napansin ko na tila kabado ito.

I looked around the room and no one is paying attention to him. Kahit na nasa harap na siya ay wala ni isa ang bumati sa kanya.

Kahit parang walang interesadong makinig ay nagsimula na siyang magturo. My classmates are very noisy. Sa sobrang ingay nila ay aakalain mong walang teacher sa loob. Everyone has their own business.

Twenty minutes have passed when one of my classmates went in front to give an announcement. Pinaalis pa nito ang kawawang guro na nakatayo sa harapan.

"Listen guys! I got a message from Blaze." sabi nito.

"They want us to gather in front of our building. May sasabihin daw silang importante."

Lahat sila ay nagsitayoan at lumabas ng classroom kahit na hindi pa tapos ang klase namin.

Walang imik ang teacher at hinayaan lang silang gawin ang gusto nila.

Everyone has already left and that includes the poor teacher. Ako na lang ang naiwan dito.

Dahil ayokong mahuli sa balita ay bumaba na rin ako at sumunod sa kanila.

#

Hell Section 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon