13. Encounter

3 0 0
                                    

RHYGEL

Nasa bar kami ngayon ng mga tropa ko. Jacob, Jaycee and the other boys came over.

Nagpaalam ako kay uncle na darating sila at pumayag naman siya.

I heard from Uncle Ace that this is the most popular bar in the city. Hindi nakapag-tataka dahil maganda naman talaga ito. We rented the VIP room.

Ang daming baong kuwento nitong si Jacob. Simula daw ng mawala ako sa school ay nawalan na daw ito ng problema.

Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita.

"Dude! Alam mo bang tinutuboan na ng buhok si Dr. Pascual? Syempre wala na 'yong number one source ng stress niya eh."

Gago talaga ang isang 'to. Nag-iinoman kami habang nagkukuwentohan.

"Kamusta ka sa new school mo dude? Dami bang chicks?" Jaycee asked me.

Binigyan ko siya nang malakas na batok.

"Sira ulo! All-boys ang school ko. Walang mga chicks doon." sagot ko.

Nagtawanan sila. Lumipat naman sa tabi ko si Jacob.

"What do you plan to do with the information I gathered for you?" tanong niya.

It was Jacob. I asked him to check the background of the devil's circle.

Sakto namang may maganda akong nalaman tungkol sa Uno na 'yon.

He will be my first target since he was the one asking for trouble.

Nag-usap pa kami ni Jacob at sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari.

Tignan lang natin kong makakapag-yabang ka pa Uno Dizon.

***

ICE

"I love Friday!" Minsan talaga ay parang bata kung umasta si Uno.

Every friday talaga ay tumatambay kami dito sa bar ni Scott. Naging parte na lang talaga ito ng routine namin.

Wala pa si Bullet dahil napag-utosan na naman siyang sumundo kay Roni.

Hindi siya dapat sasama sa amin, but he needs to. He is now a part of the devil's circle kaya dapat ay masanay na siya.

"Nandito na po ako kamahalan." Dumating na pala sila.

We have a special room here in the bar. Nang kompleto na kami ay pumunta na kami doon.

"Ang daming tao Scott. Lakas talaga ng bar mo." hirit ni Uno.

"Of course. All the VIP rooms are occupied tonight. My staff are also busy assisting the VIPs in room 4." Scott said.

"Sino 'yong mga nandoon?" tanong naman ni Blaze.

"The manager told me that he's the son of a business magnate. He is with his friends. They are new customers."

Dumating na ang mga pagkain at inomin namin. I don't want to get drunk tonight kaya isang bote ng beer lang ang kinuha ko.

As usual, Uno and Bullet are the clowns of the group. Madalas din na sila ang life of the party. Kanina pa sila nag-aasarang dalawa.

Hell Section 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon