RHYGEL
Pangalawang araw ko na sa PHS ngayon. Wala pa 'yong sasakyan ko kaya si Uncle Ace muna ang taga-hatid at sundo ko.
I've been calling mom last night pero hindi siya sumasagot. Siguro ay sobrang busy pa rin niya. Si Miss Jasmin na lang ang tinext ko para ipadala dito sa bahay ni uncle 'yong sports car ko.
Papasok ako nang gutom dahil nawalan ako ng ganang kumain ng breakfast. Someone has ruined my day. Bwisit talaga si Boy Kulog!
Kanina pagbaba ko ay nakahain na ang mga pagkain. I was surprised when Roni handed me a cup of coffee. Kahit na badtrip pa rin ako sa kanya ay tinanggap ko ito. Busy na kasi si manang kanina. Wala na akong mauutosan.
Unang higop ko pa lang ay kaagad kong naibuga 'yong kape. The taste was horrible. Sobrang alat!
Alam na alam kong sinadya niya 'yon para sirain ang araw ko. Nagdahilan lang siya kay uncle na namali siya ng container na nakuha. Akala daw niya ay asukal 'yon.
Magpasalamat siya at nandito si uncle. Tumayo na lang ako para magpalamig ng ulo.
I'm busy browsing my social media accounts while waiting for uncle. Nandito na ako sa may garahe.
Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Roni na papalapit sa akin.
"Huwag na huwag kang magkakamali kundi ay malilintikan ka talaga sa akin." I immediately gave him a warning.
Imbes na patulan ako ay pumasok siya sa sasakyan, doon sa may driver's seat.
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Baba!" sigaw ko sa kanya.
Mukhang ayaw niya talaga akong tantanan.
"Masakit ang tiyan ni tito. Ako ang maghahatid sa'yo." sagot niya sa akin.
No way! Hinding-hindi ako magpapahatid sa kanya. I'll just borrow uncle's car for today.
"Kung iniisip mong hiramin ito, pwes hindi pwede dahil may lakad siya mamaya."
Nagmatigas pa rin ako. Pero ang gago ay bumusina ng sunod-sunod. Narindi ang tenga ko sa lakas.
"Hop in! Huwag ka ngang maarte. Gusto mo bang malate?"
I don't want to be late kaya kahit ayoko sana ay sumakay na ako para maihatid niya.
Habang nasa daan ay pasipol-sipol ang gago. Nakikinig siya ng music sa airpods niya.
Teka. Hindi ba ito pumapasok sa school?
"Hoy! Hindi ka ba nag-aaral? Siguro ay kamote ka sa klase noh?" kantiyaw ko.
He gave me a smug look.
"I have online classes. Pero papasok na rin ako sa school one of these days."
I'm glad. Mabuti naman at hindi lang pala pagtambay ang ginagawa niya maghapon sa bahay.
Pagdating namin sa PHS ay binigyan ko muna siya ng malakas na batok bago ako bumaba ng sasakyan.
Syempre. Lintik lang ang walang ganti.
***
Upon entering the classroom, I was welcomed by my busy classmates.
Abala sila sa pag-uusap. Napansin ko namang ang iba sa kanila na may hawak-hawak na envelope. Then, I was reminded about the invitation. Sinabi pala kahapon ni Blaze na i-check ang locker namin ngayong umaga.
BINABASA MO ANG
Hell Section 2.0
Fiksi RemajaAs a punishment for constantly breaking rules, Rhygel Dela Rosa, the larger than life son of a business magnate, was forced to transfer in an all-boys school. Having heard of the school's infamous hell section, he envisioned to dominate it. Little...