BULLET
"Have you reached him?" si Scott.
Kahapon pa namin tinatawagan si Uno. Ngayong araw ay hindi siya pumasok.
CONFIRMED. UNO DIZON'S FATHER IS A GAY.
Tanda ko pa ang title at content ng article na napost sa school website kahapon. May kasama pa itong litrato ng daddy niya kasama ang isang lalaki sa beach.
I know that it was a hard blow for him. Malaki ang magiging epekto nito sa kanya.
"Everyone has talked about it in the past, right? So he knows whether its true or not." sabi ni Scott.
Uno and I are the closest. Elementary pa lang ay magkaibigan na kami kaya magkakakilala na noon pa ang mga magulang namin.
I know about his dad, but we never had a conversation about it. Hindi si Uno ang tipo na gustong pinag-uusapan ang kanyang personal na buhay.
Tama si Scott. Hindi na ito bago. When his dad run as city Vice Mayor two years ago, the issue came out as an attack from his opponent. His dad never denied or admitted it. Malaking issue noon 'yon pero unti-unti ring namatay. Sa huli ay nanalo pa rin siya sa eleksyon.
"We cannot tell, but we know Uno very well. He will not take it lightly." sabi naman ni Damon.
Si Uno ang pinaka-mukhang matapang sa aming lahat pero ang totoo, emotionally, siya ang pinaka-mabilis maapektohan. He has always a hard time controlling his emotions. He doesn't know how to deal with confrontations just like what happened yesterday.
He is like a ticking bomb. Ano mang oras ay maaari siyang sumabog.
"Hayaan muna natin siyang magpalamig ng ulo." si Blaze.
Tama siya. We need to give him time. Magpaparamdam at magpapakita din 'yon sa amin kapag ok na siya.
***
UNO
Madaling araw na akong naka-uwi sa bahay. Pagka-alis ko sa PHS kahapon ay dumiretso ako sa bahay ni mommy.
My parents don't live together anymore. Limang buwan nang nakalipat si mommy sa ibang bahay.
Walang may alam at wala rin naman akong balak sabihin ito sa iba. Kahit pa sa devil's circle.
Hindi ko alam kong hiwalay na o maghihiwalay pa lang sila. Pero alam ko nang mangyayari ito.
When that gay controversy exploded during the last election, my parents' relationship slowly and silently suffered.
Noon ay hindi ko ito masyadong pinagtuonan ng pansin. Naisip ko na panahon ng eleksyon kaya hindi maiiwasan ang mga dirty tactics ng kalaban.
But at the back of my head, hindi ko rin maiwasang isipin kung may katotohanan ba 'yon o wala.
My dad and I are cool. Hindi ko masasabing close kami pero maganda ang relasyon namin bilang mag-ama.
I look up to him lalo na sa larangan ng public service. He is really passionate and dedicated in serving the city and its people.
I even told myself that I want to be like him in the future. Pero lahat ng mga ito ay gumuho nang malaman ko ang katotohanan.
One night, mommy came home very drunk. She was wasted. Nabigla ako noon dahil hindi naman siya umiinom. Isa pa ay busy lagi ang schedule niya bilang surgeon sa ospital kaya nakapagtataka talagang naglasing siya.
Binuhat ko siya at pinahiga sa kama. Bigla siyang humagulgol sa iyak. At habang umiiyak siya ay nasabi niya ang bagay na nagpapasakit ng kalooban niya.
She unintentionally revealed to me that dad is a gay.
Para akong tinamaan ng kidlat noong oras na 'yon pero mas pinili kong hindi maniwala.
Kinabukasan ay palihim kong sinundan si dad. Tanda ko pa na linggo 'yon at tuwing linggo ay lumalabas siya mag-isa.
Sa pagsunod ko sa kanya doon ko natuklasan na sa isang bahay siya pumupunta. Pagkadating niya ay sinalubong siya ng isang lalaki.
Wala naman sanang malisya pero nang makita ko silang magkayakap at naglalambingan ay doon ko na nakompirma na totoo pala.
Dad, while married to my mom, has a partner. Dad is a gay.
Up to this time, my mind still refuses to believe it.
Nandito na ako sa bahay niya. Sana lang ay hindi muna kami magkita ngayon. I don't want to face him now. Sabagay ay madaling araw pa naman. Siguro ay tulog pa siya.
Pagkabukas ko ng pinto sa living room ay nakita ko siyang nandoon at umiinom ng kape.
"Where have you been anak? May inoman session na naman ba kayo ni Bullet kagabi?" he said.
Ganito siya sa akin. He doesn't forbid me to have fun. Lagi niyang sinasabi na I must live my life to the fullest. Huwag ko daw intindihin ang pagiging public figure niya. May tiwala daw siya sa akin kaya hindi siya nag-aalala.
He is almost the perfect dad.
Hindi ako kumibo. Dinaanan ko lang siya. Ayoko siyang maka-usap.
"Uniqueo, anak. Is everything alright?" pahabol na tanong niya. Worry is seen in his face.
Napabuntong-hininga ako.
"Everything is not ok dad. Let's stop pretending that you and mom are ok, that this family is ok!"
Nailabas ko na ang bigat ng damdamin ko.
"You're a gay dad. Mas ok pa sana kung babaero ka na lang. Mas masisikmura ko pa 'yon. Pero lecheng buhay 'to. Bakla ka! Bakla ka dad!"
Malakas na sampal ang binigay niya sa akin.
Tumakbo ako palabas. Umalis ulit ako ng bahay.
This is my sad truth. I am fucked up. Everything in my life is fucked up.
***
RONI
May biglaang appointment si Tito Ace kaya kaming dalawa lang ng panget na unggoy ang nasa bahay.
Hindi mawala-wala ang inis ko sa kanya lalo pa't alam kong pakana niya 'yong post sa school website tungkol sa daddy ni Uno.
Tapos na kaming magdinner at syempre hindi kami nagsabay. Nauna ako. Kung wala lang akong konsensya ay hindi ko na sana siya tinirahan ng pagkain.
Ayoko siyang makasalubong kaya pagkatapos ko ay umakyat na ako sa kuwarto.
Nagpabili ako ng junkfoods kay manang dahil bigla akong nag-crave. Kumatok na siya kanina at sinabing nasa kusina na 'yong mga pinabili ko.
Naglaro muna ako saglit ng Clash of Clans bago bumaba.
Alam kong nasa family room siya at nanonood. Lalampasan at dededmahin ko na lang ulit siya.
Ang lakas makatawa ng unggoy. Mukhang comedy ang pinapanood niya.
Nacurious ako kaya napatingin ako sa may gawi niya.
Nang makita ko kung ano ang kinakain niya ay umakyat agad ang dugo sa ulo ko.
Walang hiyang unggoy!
"Bitawan mo 'yang tortillos ko unggoy ka!"
#
BINABASA MO ANG
Hell Section 2.0
Teen FictionAs a punishment for constantly breaking rules, Rhygel Dela Rosa, the larger than life son of a business magnate, was forced to transfer in an all-boys school. Having heard of the school's infamous hell section, he envisioned to dominate it. Little...