18. Target

6 0 0
                                    

RHYGEL

Mamayang gabi na ang open circle. Desidido na akong hamonin ang isa sa kanila pero hindi pa ako nakakapili kung sino.

I have two persons in mind and both are perfect targets.

Pagkatapos ng ginawang announcement ng devil's circle ay hindi man lang ito pinag-usapan. I was expecting that it would create a buzz.

I heard that the open circle is a big thing, but I wonder why the boys aren't interested at all.

Ibig bang sabihin na taon-taon itong ginaganap pero wala ni isa ang naglalakas loob na magbigay ng hamon? Basta na lang nilang hinayaan na maghari ang anim na 'yon ng ilang taon.

I guess the boys of hell section are not really devils. They're nothing but weaklings. No one would have the courage to break the status quo. Habang buhay na lang silang sunod-sunoran.

I badly want to attain my goal, so I must make a wise decision. I still have time to think. Ayokong magpadalos-dalos.

Wala akong lakad ngayon kaya buong araw lang akong tatambay dito sa bahay. Naglaro ako saglit ng computer games dito sa kuwarto pero kaagad din akong nagsawa.

Bumaba na lang ako para manood ulit ng movies o series pero pagdating ko sa family room ay naroon si Boy Kulog.

He is comfortably sitting in the couch while eating. Napalunok ako nang makita kung ano ang kinakain niya.

Parang biglang nag-slowmo ang paligid. Kitang-kita ko ang dahan-dahan niyang pagkagat at pagnguya. Maging ako ay napapalunok dahil sa sarap ng kinakain niya.

"Nabuwang ka na ba?"

Nang-iinis na tanong niya sa akin. Hindi ko namalayang naestatwa na pala ako dito at nakatitig lang sa kinakain niya.

"You wish!"

Syempre ay hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya.

Hindi na niya ako pinansin pa at bumalik na sa panonood.

Pumunta naman ako ng kusina para maghanap ng makakain.

Maraming supplies dahil nakapag-grocery na si manang. Marami akong pwedeng ipaluto sa kanya pero gusto ko 'yong kinakain ni Roni.

Ayoko namang manghingi sa kanya. I will never go down to that level. I will never ask anything from him.

Kung agawin ko na lang kaya sa kanya? Kapag nagalit siya, magbubugbogan na lang kami. Mas maangas pa kapag ganoon.

Kaya kong makipagpatayan alang-alang sa pagkain.

I gave him a glance and he is still busy watching. Nasa mesa 'yong kahon ng pagkain. Kapag mabilis ang galaw ko ay madali ko lang itong makukuha at maitatakbo.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Mukhang hindi naman niya nararamdaman ang presensya ko.

My eyes are glued on my target. Ayokong kumurap dahil baka bigla itong maglaho.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya nang mahulog ang remote control sa may sahig.

His attention was diverted when he picked it up and I took that as a chance to grab the box. Nang makuha ko ito ay tumakbo ako nang mabilis.

Hell Section 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon