17. Hopia

5 0 0
                                    

RONI

A familiar car was parked in front of the house when I arrived from school. Napabuntong-hininga ako dahil alam ko kung sino ang sadya niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng damit kanina bago umuwi.

Bumaba ako ng motorsiklo at lumapit sa sasakyan.

I knocked on the driver's window. Bumaba ito at bumungad sa akin ang secretary niya.

"I came to fetch you. Gusto ka niyang maka-usap."

I like how straightforward he is. Walang kamukamusta. Ni wala man lang "hi" o "hello".

"Why so sudden? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Bumaba siya at pinagbuksan ako. I guess I'll never know if I won't go. Mas maigi na rin ito. Kapag susundin ko lahat ng gusto niya ay hindi niya ako papaki-alaman.

That was our agreement. Kailangan ko ding maging maingat. He must not know what I'm doing here. He would not like it for sure.

Ngayon lang ulit kami magkikita. Sana lang ay hindi na naman mauwi sa pagtatalo ang pagkikita namin ngayon.

***

RHYGEL

Naisipan ko munang tumambay dito sa may mall. Ayoko pang umuwi dahil si Boy Kulog lang din naman ang madadatnan ko sa bahay. Bukas pa kasi ang uwi ni Uncle Ace.

This mall is huge and it has a good ambiance. Pag-aari ito nina Uno.

"Pwede na rin."

Maybe I could talk to mom. Sasabihin kong magpatayo rin siya ng mall dito. Iyong mas malaki at mas maganda. Tignan ko lang kung hindi malaos at malugi 'to.

Naglilibot ako dito sa ground floor. Wala naman akong mabibili dahil puros pambabae ang mga nandito.

I don't usually shop in malls. I buy stuffs from luxury boutiques most of the time. Cheap at karaniwang brands lang kasi ang mabibili sa mga malls.

Nang wala akong makitang maganda dito ay sumakay ako ng escalator paakyat ng second floor.

Sakto namang may mga food stalls at food carts dito. Napatawa ako nang kumalam ang tiyan ko. Hindi ako nabusog kaninang lunch. I don't like the food in our school cafeteria.

"Makapag-foodtrip nga."

Inisa-isa ko ang mga food stalls at carts pero wala akong magustohan. Dahil gutom ako ay bumili na lang ako ng kahit ano. Basta mukhang malinis at disenteng kainin pwede na.

Naghanap ako ng puwesto. Some of the tables near me were already occupied. Pinili ko 'yong parte na walang masyadong tao.

Inilapag ko ang mga binili ko sa mesa dito sa may bandang dulo at nag-umpisa na akong kumain.

Abala na ako sa pagkain nang may biglang lumapit sa akin.

"Can I share this table with you?"

A man holding a tray is in front of me. He wears a navy blue polo shirt and jeans. Hindi pa naman siya gaanong matanda. Kaedad lang siguro siya ni mom.

"Pwede ba?" muli niyang tanong.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. He looks decent. Hindi naman siya mukhang gagawa ng masama o ano. Umupo siya at magkaharap na kami ngayon.

Hell Section 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon