CHAPTER FOUR

1 0 0
                                    


Dalawang araw na  ang  nakalipas noong nagpunta sa bahay namin ang angkan ng mga Archangel kuno. Dalawang araw na din punong puno ng katanungan ang isip ko , palaisipan din ang kanilang angkan dahil wala ni isang nakakakilala sa kanila dito  tapos ang mga ito naman ay kilala kami . Sino Kaya sila at ano ang sadya nila samin ni Lola? Halatang mga mayayaman sila dahil sa mga suot nila .

'woi lutang ka nanaman dyan at talagang pumunta ka pa dito para ilutang yang utak mo !'

kailangan ba talagang sumigaw ka sa harapan ko Ysabel? Pagkausap ko sa sarili ko. Inirapan ko lang siya at napaismid naman siya sa inaakto ko.

'Aba aba saan mo naman  yan natutunan ha babae ka? 'natawa naman ako sa sinabi niya.

Kahit ako rin nagulat sa ginawa ko di ko talaga ugali ang umirap kahit nabubwesit na ako o kaya naiinis.Di ko nalang kasi pinapansin katulad ng sabi ng butihin kong Lola dahil masama daw ang gumanti sa kapwa bagkus dapat habaan mo nalang ang iyong pasensya at lawakan ang iyong pag intindi .

'Pasensya na Ysabel, may iniisip lang.' Sabi ko sa kanya at takang tumingin siya sakin.

' At ano naman yang iniisip mo ha? Baka pwedeng malaman Sino ba Yan ha?'

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman na Tao Yung iniisip ko? Wirdo din ang isang to.

'Ysabel diba sabi mo pamilyar ka sa mga  Tao dito sa baryo na to? Halos ang mga taga dito ay kilala na ng pamilya mo .' usal ko at mas lalong kumunot ang kanyang noo

'oh e bakit naging interesado ka bigla ? dati naman Wala kang pake sa mga yon kahit noon ay naikwento ko na minsan sayo  ang tungkol diyan.'

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Totoo ngang Wala akong pakealam . E sa hindi ko ugaling mangealam sa buhay ng  may buhay.
Pero dahil ginugulo ang utak ko ng mga panauhing iyon ayan tuloy nagkainteres ako bigla.

' eh kasi naman noong nakaraan lang nito may panauhin kami ni Lola e mukhang magkakilala silang dalawa nagtataka lang ako baket ako Hindi ko sila kilala samantalang si Lola kilala nila ito.kung tinatanong ko naman siya tungkol sa mga ito di naman niya ako sinasagot . ' mahabang kwento ko sa kanya.napatango Naman siya bilang pag sang ayon.

'e mukhang iniiwasan ng Lola mo iyang mga tanong mo e Sino ba kako yang mga panauhing sinasabi mo baka nga't kilala ko.'

nagliwanag naman ang mukha ko nung sinabi niya yon. Mukhang may sasagot na sa lahat ng tanong na bumabagabag sakin .

' Angkan ng mga Archangel kuno.' Sabi ko tapos bigla na lang siyang namutla sa sinabi ko. May mali  ba sa sinabi ko?

' okay ka lang Ysabel?bakit namumutla ka riyan?' tanong ko at parang may sinabi siya pero Di ko narinig .

'may sinasabi ka ba riyan? Bat bumubulong ka Jan? Tanong ko ulit.

' ah wala. Nakalimutan ko palang may inutos sakin si Ina . Sige Mauna na akong umuwi ha . Kita nalang Tayo ingat ka  Paalam!'aniya at naglakad na palayo.

Ang wirdo niya talaga . Ewan ko baket ko ba ito naging kaibigan. Hayst! Di ko nanaman nakuha Yung sagot na kailangan ko.di bale nalang sa susunod na araw tatanungin ko nalamang siya ulit.

Naglakad na ako palayo sa unibersidad Kung saan nagaaral ako bilang first year college. Habang papalayo na ako at naglakad pauwi bigla namang humangin at lumamig ang paligid. Ang wirdo lang sa pakiramdam.

pakiramdam ko Kasi may Tao sa paligid ko at Ewan ko rin dahil nararamdaman kong may nakamasid. Kaya binilisan ko Ang aking paglakad para mabilis ako makarating sa bahay.

Di pa ako nakakalayo nang  bigla nalang ako napahinto na para bang may mabigat na nakaharang  sa akin. Di ko magalaw ang paa at kamay ko . Sinubukan Kong ibuka Yung bibig ko ay di ko rin magawa.

-Ano ba ang nangyayari bakit di ako makagalaw ni Hindi ko maibuka yung bibig ko- Pagkausap ko sa aking sarili

Nagsimula na akong mataranta dahil sa nangyayari sakin pero napalitan ito agad nang pagkagulat dahil sa aking narinig  na boses .unti- unti rin nabawasan ang lamig sa paligid kasabay nang paghina ng tinig na namutawi sa aking mga tainga kanina lamang.

'Saan nanggaling iyon? At bakit kilala ...Niya... Ako....?'

Hayst dala siguro to ng pagkalito dahil sa mga panauhin na talagang nakakacyursos  naman  ang kanilang angkan.kaya Kung Ano Ano nalamang ang guni guni na naiisip ko.

Binilisan ko nalamang Ang aking paglakad at sa wakas nakauwi na din at Dali daling pumasok na sa aming bahay.

Maya't Maya ay lumabas si Lola mula sa aming kusina na may dalang miryenda. Tamang tama nagugutom na ako .

' oh apo... Kamusta ka sa paaralan?' pagtatanong ni Lola sa akin. Nginitian ko Naman siya saka nagsalita

' eh la, Wala namang bago kundi ang pagpuputak ng karamihan tungkol satin at maliban doon ay may bago nanaman kaming proyekto para sa darating na exam namin sa makalawa.' pagkukwento ko sa  kanya tsaka kumuha ng pandesal sa lamesa.

Kahit kailan talaga walang kupas Ang pandesal ni Lola. Masarap parin. Hmmm sarap.

' Ang sarap Naman nito la. Wala paring kupas !' Saad ko at natawa naman siya

' Asus Ang Apo ko naglalambing. Aba siyempre kailan pa Hindi masarap Ang gawa Kong pandesal'

natawa kami pareho sa kahanginan namin ni Lola . Dahil bukod sa pagiging misticulosa niya ay mahangin din siya katulad ko bagay na namana ko siguro sa kanya.

' oh e Apo malapit na ang kaarawan mo. Ano bang gusto mong regalo Apo? Gusto mo ba na magpaparty Tayo at magluluto ako dalhin mo rito Ang mga kaibigan mo at nang matikman nila Kung gaano ako kasarap magluto.' aniya at bigla Naman ako napasinghap . Muntik ko nang makalimutan na malapit na pala Ang kaarawan ko.

' eh Lola Isa lang Naman Ang kaibigan ko walang iba kundi si Ysabel Apo ni Aling Mira ' napaismid naman siya sa sinabi ko.

Sa tagal ba Naman namin dito  sa baryong ito ay di na nakakapagtaka Kung bakit magpahanggang ngayon ay mailap parin sa Amin Ang mga Tao . Alam Naman namin na dahil to sa tsismis na kumakalat tungkol sa pagiging anak ako ng mangkukulam.

' aba e kahit na at least may kaibigan ka.' aniya . Kung sabagay naman mabuti na ngang may lumapit sakin at nakipag kaibigan.

' o sige lola dadalhin ko siya dito at ipagdadasal ko na Sana pumayag siyang dalhin ko dito.' natatawang sambit ko sa kanya dahilan ng pag iling Niya.

Maglalabing walo na ako sa biyernes at labing walong taon na Hindi ko parin nakikilala Ang mga magulang ko.

--------------
--------------

 MATED TO A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon