' mi amore....' ' come here and please save me' 'please my lady.... Come here I need you mi amore ' please come near me I need you '
Isang lalaking nakakulong sa selda at Ewan ko Kung saan iyon nanggaling .pilit niyang tinataggal Ang mga kadenang nakagapos sa kanyang kamay at paa pati Ang kanyang leeg ay mayroon din. Ano't nakagapos ka binata at bakit tinatawag mo ako? Sino ka ba? At bakit mo sinasabi na kailangan mo ako?
'please mi lady come near me .... Save me from thirst please'
Lumapit Naman ako sa kanya at nakadalawang hakbang palang ako nang may sumigaw 'huwagggg! Huwag kang lalapit ! Papatayin ka niyan ! Isa siyang demonyo! Maawa ka sa sarili mo! Iligtas mo Ang sarili mo sa halimaw na iyan!'
Halimaw? Kaya ba siya nakagapos? Anung klaseng halimaw? Unti unti Naman akong nanigas nag may nagsilabasan sa bibig ng lalaki na ito na isang matulis na bagay. Ano iyan? Bakit may ......
-----------
Nagising Naman ako bigla at kinapos ng hininga. Grabeng bangungot naman iyon ! Pati sa pagtulog nadadala ko Ang lahat ng eksenang pinanood namin ni Ysabel kanina na isang pelikula ng mga Bampira. Tsk. Akala ko totoo iyon hayst! pero... Kung panaginip lang iyon bakit parang totoo. Parang andoon talaga ako e.
Tinignan ko Ang aking relo at oras na pala ng pagligo ko sa batisan. Kaya bumangon na ako at naghanda.
Pumunta na ako sa batisan pagkatapos kong inayos ang aking sarili . Sa tagal ko rito ay itong batisan lamang ang aking paliguan. Nangangamoy rosas na nga ako at pinaghalo ng gatas na nagpapakinis pa lalo ng aking kutis . Napakabango nito at kahit sinong Tao Ang makakaamoy nito ay mahahalina sa bango nito.
Di ko Alam pero satwing papalapit Ang aking kaarawan ay naliligo ako pag sapit ng hating Gabi at tinatanaw ang buwan Kung saan nagliliwanag ito pagkatapos ay pinagsusuklay din ako ni Lola pagkatapos.
' Apo... Bilisan mo na diyan at susuklayin ko na iyang buhok mo.'
Tumango nalamang ako at binilisan Ang pagligo. Nang matapos Naman ay umahon na ako sa batisan at nagyapos ng twalya sa katawan tsaka pumasok na muli sa aming bahay.
Nagbihis na ako at nakaupo sa harapan ng malaking salamin Kung saan kitang kita Ang aking kabuuan .
Makikita Ang kakaibang ganda na ako lang mismo Ang may taglay nito.Nakakasilaw Ang ganda ko at Ewan ko ba napapansin ko rin na mas gumaganda pa ako .
hapit na hapit sa aking katawan Ang suot Kong night gown Kung saan kitang kita Ang aking hubog na kaagaw agaw ng pansin . Siguro ganito Rin si Lola noon Nung kapanahunan Niya.
' Ang ganda mo talaga aking Apo... Manang mana ka sa iyong Ina , katulad Niya ay maninipis din ang iyong labi at kasing pula nang mansanas , Ang inyong pilik mata ay mahaba at maganda Ang pagkagawa nito. ' komento Niya sa aking repleksyom sa salamin. Nangiti na lang ako sa kanyang sinambit.
' Alam mo ba na sa ating pamilya ay ikaw ang natatangi?' nagtaka Naman ako sa sinabi niya paanong ako Ang natatangi e halos 'lahaaat' ng nasa angkan namin ay naguumapaw ang pisikal na kaanyuhan.
' paano pong natatangi Lola ? E lahat ng nasa Angkan ng mga Bustamante ay sobrang ganda at gwapo kulang Ang salitang Diyos at Diyosa para satin e' natatawang sambit ko na mas lalong nagpangiti sa kanya.
' Hindi dahil doon Apo... Alam ko Naman na sa angkan natin ay walang nakakapantay sa ating anyo pagkat di nga natin maikakaila na nag uumapaw Tayo sa kagandahan at kagwapuhan.'
Eh Yun Naman pala e bakit mo nasabi na ako Ang natatangi Lola?
' dahil sa lahat ng angkan ng mga Bustamante ay ikaw ang pinaka-espesyal' aniya at pinagpatuloy Ang pagsuklay sa aking buhok mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
MATED TO A VAMPIRE
VampireKung ihahalintulad ko ang lahat ng nangyayari sakin ngayon siguro lahat ng taong makakasalamuha ko ay masasabi nilang Wala na ako sa katinuan , na sintu-sinto -- na isa akong baliw. Sino ba Naman Kasi Ang maniniwala saken Kung sasabihin Kong totoong...