CHAPTER THREE

3 0 0
                                    


Archangel.

Ngayon ko lang narinig iyang apelyido na yan. Ni minsan walang nababanggit si Lola at higit sa lahat walang Archangel ang naninirahan sa baryong ito . Kung Ganon Hindi sila taga rito? 
Naguguluhan man ako pero Hindi ko na pinahalata kay Lola iyon lalong lalo na sa mga bisitang nandidito.

'Amanda mukhang Hindi pa kami Kilala ng iyong Apo...' aniya at ngumiti ng makahulugan, may kakaiba sa kanyang ngiti na Hindi ko maipaliwanag. Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa amin? Ang dami Kong tanong na gusto ko ng kasagutan.magsasalita na Sana ako ng magsalita Si Lola.'Apo... nakahanda na Ang iyong paliguan sa batisan ,oras na ng iyong pagligo.'

Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Hindi ba pinapunta Niya ako rito para harapin ang aming panauhin tapos ngayon ay gusto niya na akong maligo? Nakakapagtaka ngayon  ganyan ang kinikilos ni Lola lalo na sa harapan pa ng aming bisita. Di ko alam kung guni guni ko lang ito ngunit makikita mo sa kanya ang pagkabalisa. Tama ba itong nakikita ko?

'p-po? P-pero..' Di ko na naituloy ang nais kong sabihin nung mismong aming panauhin na ang nagsalita.
'sige na hija... Sundin mo nalamang ang iyong Lola.' Hindi ko Alam Kung bakit ganuun  kabilis nalamang akong napasunod ng isang to pagkatapos Niya akong utusan. Napailing na lang ako sa aking naisip , possible ngang totoo ang hypnotismo.

--------------
--------------

'Ang buong akala namin sa aming pagbabalik ay makikilala na  niya kami '

Di ko alam kung matutuwa ba ako sa agarang pagbabalik ninyo Supremo...

Napailing nalamang ang matanda sa aking sinabi . Tuso ka parin Tanda. Hanggang ngayon binabasa mo parin Ang laman ng utak ko.  Mukhang Di na kita matatakasan pa.

'Tita hanggang kailan mo ba ililihim sa kanya? Di naman pwede na ganito nalamang siya na hanggang ngayon---' napairap Naman ako sa sinabi ng isang to.

'huwag mo akong pangaralan Lauracia'malamig Kong sambit sa kasama ni Tanda.napayuko Naman siya  sa sinabi ko.

' it's been a decade eversince we got here and nothing change.now tell us Amanda how long do you plan to keep her from us? Don't tell me  we will wait another decade for her  .. again?' bigla akong nanliit sa malaking boses na iyon. Boses na madalang Kong marinig  sa pamilya ng mga Archangel. Napalunok ako. Buong buhay ko ngayon lamang ako naging balisa sa harapan pa mismo ng aking Apo . Gayunpaman nagtataka na ako Kung bakit biglaan Ang pagbabalik nila gayun batid nila sa kabilugan pa ng buwan Ang usapan. Ano't naparito muli ang mga Archangel?

'paumanhin aking Prinsipe ngunit gusto ko lang itanong Kung bakit biglaan ang inyong pagbabalik gayung kabilugan pa ng buwan ang kasundua--'di ko natapos ang aking sasabihin ng magsalita ulit si Lauracia ang Prinsesa ng mga Archangel --- ' we came here for her.'Sana pala Hindi na ako nagtanong. Dahil nabigla ako sa kanyang sagot.hanggang ngayon parin ay natatakot pa pala ako sa batang ito. Hanggang ngayon takot parin ako sa lahat ng posibilidad pag nakuha na nila Ang gusto nila.

'pero sa kabilugan pa ang kasunduan ano naparito kayo e sa susunod na buwan pa iyon?' Di ko na maitago Ang takot sa akin lalo na Kung Ang aking Apo na Ang pinag uusapan.

' I change my mind . ' malamig na sambit ng prinsipe.hindi pwede to. Paano ko ipapaliwanag Ang lahat sa aking apo Kung nais na nila itong kunin sakin

'pero paano Kung ayaw Niya? ' kumunot Naman Ang nuo ng matanda.

' Amanda you didn't tell her yet about us!? And you didn't bother to! So what do you expect from her? Accept us gladly?' napailing Naman Ang Prinsipe sa tinuran ng kanyang ama.

'Amanda... Kung Sana noon pa minulat mo na iyong Apo tungkol dito Hindi Sana Tayo namomroblema ngayon. Hindi Naman sa pinapangaralan ka namin pero iyon ang itinakda at nakatakda iyong magaganap sa ayaw at sa gusto mo...'

'pero kamahalan Hindi ko Kaya..Alam Kong kakapalan  na ng mukha ito pero sana bigyan mo pa ako ng kaunting panahon' pagsusumamo ko sa Supremo.

'kaunting panahon? Sobra ka namang humingi Amanda--' napailing na lamang siya sa sinabi ko. Ako man ay nakayuko na.

' mahigit dalawang dekada nang nakakulong ang bunso kong anak .halos di na makilala bilang maharlika dahil sa kanyang sinapit . Dalawang dekada na siyang naghihintay . Dalawang dekada na siyang sabik na sabik sa Apo mo Amanda Hindi ko Alam Kung paano pa siya nabuhay magpahanggang ngayon dahil kadalasan sa mga tinatakda ay namamatay kapag Hindi pa nasa kanya ang kanyang kapareha.sabihin mo sakin Kung dapat pa ba kita pagbibigyan sa kaunting panahon na hinihingi mo?

Tuluyan ng nagsilabasan ang luha sa aking mata matapos niyang sabihin lahat yon. Totoo ngang Wala na akong magagawa dahil iyon ay nakatakdang mangyari .

'Sige . Makakaasa kayo sa akin Supremo. Ngayong biyernes Ang kaarawan ng aking Apo. Sa hating Gabi habang siya'y natutulog maari niyo na siyang kunin . Ipangako niyo lang poprotektahan niyo siya Laban sa kalahi niyong kaaway ng inyong pamilya.pakiusap Supremo'

'tutupad ka ba sa usapan Amanda?' napaiwas Naman ako ng tingin at tsaka nagsalita.

'May Isang salita ako Feliciano'.

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko

' then it's settled. Friday evening we will  come back and hope you will give her to us this time. Ladies and Gentleman we need to go. till next time Amanda.'

Tinanguan ko lamang sila pagkatapos non ay napabuntomg hininga na lamang ako. Ngayon pa lang ay kinakabahan  na ako  para sa aking Apo . Batid ko Rin ay hindi madali para sakanya Kung ikukwento ko  ang lahat lahat tungkol sa mga Archangel lalo na't Hindi siya maniniwala kung ikukuwento ko man sa kanya .

 MATED TO A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon