Chapter 2:Her King

14 2 0
                                    

Rain Sophia POV




Good Morning World. Panibagong Chapter.Panibagong Buhay na naman .Maaga akong nagising sa araw na to ewan ko ba simula nong mameet ko yung guy na yun lagi akong nagaganahan pumasok pero sa tatlong araw na pagpasok ko ng maaga after the day I met him Hindi ko pa siya nakikita ang sad. Today is Friday kaya kahit malate ako wala namang kaming 1st Subject .Pero eto ako maagang nagising nagbabakasakaling makasalubong ko ulit si Johnson🤦‍♀️😍HIHIHI..
Simula nong araw na yun hindi na siya nawala sa isip ko .InLove na nga yata ako e.Grabe talaga si Kupido napakabilis.Kaso ang problema ako lang ang pinapana tapos yung cute guy hindi.Diba ang lupit ..

"Hoyyyyy Ulan ano ba yang iniisip mo at kanina ka pa wala sa sarili mo!" sigaw niya sakin

mygodd nakarating na pala ako sa school ng hindi ko namamalayan .Hindi naman ako ganito dati a .
Bakit ba kasi nababaliw ako don sa lalakeng yun haysst.
Napatampal ako sa noo ko.

"Ano bang meron? Para bang nakuha mona ang lahat ng Problema ng mundo sa hitsura mo ngayun.hahaha" natatawa niyang komento.

"Eh kasi ung Johnson hindi ko pa nakikita " sabay nangalumbaba.

"Wala ka ng ibang bukang bibig kundi Johnson,Johnson,Johnson nakakairita na pakinggan." naiinis niyang sabi

Isinandal ko ang mukha ko sa tuhod ko at nanahimik nalang.wala akong ganang makipagbangayan sa besfriend kong talak ng talak.

"Ano kayang buong pangalan niya Sanny?" tanong ko sakanya habang nakayuko parin at nakapatong ang mukha sa tuhod ko. "Uii .Sanny kausapin mo naman ako." sambit ko ulit ng hindi parin siya umiimik.
After ilang segundo at hindi parin siya umiimik ay nagpasya na akong iangat ang mukha ko at .......

"Whahahahahahahaha" sigaw ko ng makita ko siya nakayuko siya sa harap ko na nakatapat sa mukha ko. "Bakit ba ganito Sanny?Hindi ko na lubos maisip bakit naiimagine ko siyang narito at nakaharap sakin." sabi ko

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ng kaibigan ko

Hindi ko siya pinansin kahit na mamatay na sa kakatawa ang Sanny na to.

"Bakit hindi ka kumukurap?" tanong niya sakin

Parang real na real siya.🤦‍♀️Kinakausap niya pa ako.Nababaliw na ba ako?"Ayaw kong kumurap baka kasi pag pikit ng mata ko mawala ka sa paningin ko" sagot ko .Bahala ng pagtawanan na ako ng mga nakakakita sakin na nagsasalita mag-isa.Ang mahalaga mailabas ko to.Kasi parang nababaliw na talaga ako.

"Bakit ayaw mo naman ako mawala sa paningin mo?"nakangiti niyang tanong ulit.

"Napakaamo kasi ng mukha mo.Aware kabang Napakagwapo mo.?" balik na tanong ko sakanya.
.Anong klaseng tanong bayan Sophia.malamang alam niyang Gwapo siya.Ngiti lang ang sinagot niya sakin.
Sh*t napakaPerfect talaga.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa yan ng kaibigan ko.malamang tinatawanan niya ako dto kasi kinakausap ko na yung hangin.Pero parang nakikita ko talaga siya .Hayssst. Hindi ko inalis ang mata ko sakanya ganon din siya.

"Kong pwede lang kitang titigan ng buong araw.Gagawin ko" sabi ko kahit na imposible.

"Edi Gawin mo.Wala namang pipigil sa-------"
"Dreck !Kanina ka pa namin hinahanap.Ano bang ginagawa mo dyan?" putol ng lalakeng naghahanap sakanya.
humarap ang lalakeng to na nasa harapan ko sa may ari ng boses na iyon .

"Susunod na ako Bro " Sagot niya.
at humarap ulit siya sakin
"Sa ngayun hindi mo muna ako pwedeng matitigan kasi aalis na ako hahaha"at sabay dumeretsyo siya ng tayo at pinisil ang pisngi ko. "Bye cutieee girl" paalam niya at umalis.

at eto ako naiwang nakatulala....habang nagsisink in sa utak ko ang lahat ng nangyari..

WHAAAAATTTTTTTTTTTTTTTTT
Omygod!omygod!
taranta akong tumayo at humarap kay Sanny.

"Sannyyyyy!Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko

"HAHAHAHAHAHAHA.IT IS REAL Hindi imahinasyon lang .HAHAHAHA" Natatawang paliwanag niya sakin.

Ohhh noooooo.Nakakahiya.Napatampal nalang ako sa noo ko ng magFlashback sa isip ko ang inakto ko sa harap niya at mga sinabi ko sakanya.🤦‍♀️

"Bakit hindi mo sinabi saakin na hindi lang ako nag iimagine" sabi ko "Kong ano-ano pa nasabi ko kay Johnson nakakahiya tuloy" dugtong ko

"Nakakatuwa kaya kayo panoorin HIHIHIHIHI😁" Sambit niya

Bigla nalang tumunog ang bell senyales na second subject na.

Pagpasok ko sa Room ng Mathematics ay nakita ko siya .OO!hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang nakikita ko.At nakaupo siya sa tabi ng Upuan ko .Naku poo ..
agad ako nagbaba ng tingin ng tumingin siya sa dereksyon ko.Agad akong nagtungo sa upuan ko.

"Haii." bati niya.Ako ba yun ?omygod ako ba ung binati niya?
Sobra na yung hiyang nararamdaman ko kaya please huwag mo ng dagdagan pa Sophia.
Pumikit ako at nagfocus pagkatapos ay deretsyo akong tumingin sa harap na para bang wala siya sa tabi ko.

"Akala ko ba gusto mo akong titigan ng buong araw?" tanong niya .ako nga ang kausap niya .Halla nakakahiya.🤦‍♀️

Tumingin ako saglit sakanya at napatingin na naman ako sa brown eyes niya .pero agad ko rin tinanggal ang paningin ko sakanya at tumingin ulit sa harapan.sakin siya nakatingin.Ako nga ang kausap niya .okay pwede ka ng sumagot.

"Sino naman nagsabi?"mataray kong sagot

"Ammmm I-kaw??"alanganing sagot niya.

ooooo noooooooo.Lupa kainin mo na ako now naaaa.
Nakakahiya na talaga .

humarap ako sakanya at pinatitigan ko siya sa mata

"WALA AKONG SINASABI!" madiin at mahina kong sagot sakanya pero sapat na para marinig niya iyon.

"Okay okay hahaha sabi mo e" natatawa niyang sabi
Yan lang ang pwede kong gawin para hindi niya ako asarin ang umaktong mataray .hehehehe .hindi naman talaga ako mataray e .Nahihiya kasi ako sa nangyari samin kanina.

"Bago ka lang dito?"hindi ko mapigilang tanong ko.mygod 🤦‍♀️ano ba yan nakakainis tong bibig ko.

"Nope .first year high school andito na ako." sagot niya

'weehhh?.bat di kita nakita non.' tanong yan sa isip ko .hehe

Ilang segundo ang dumaan.Nararamdaman kong may nakatingin saakin.Napatingin tuloy ako sa gawi ng lalakeng to.

OMO
Nakitingin siya sakin.Mali....
Nakatitig siya .tapos bigla siyang ngumiti .binalik ko ang tingin ko sa harap

"Hmpft haha" mahina niyang tawa.pinagtatawanan niya pa ako siguro napansin niya yung mukha kong sobrang pula.🤦‍♀️
At buti nalang dumating na ang Teacher namin .mygod lupa kainin mo na ako.hindi parin siya tumigil sa mahina niyang pagtawa.Pero infairnes Ang sarap sa tenga ng tawa niya parang musika

Erase.... Erase....

"Good Morning Everyone" Tsaka lamang siya tumigil sa pagtawa niya ng napatingin sa kanya ang teacher namin. "Okay class. let us Welcome Dreck King Johnson" sambit ng teacher namin at bigla na lang tumayo ang lalakeng to sa tabi ko

Dreck?Johnson? wala ako sa sarili ng bigla siyang nagsalita

"Haii." pagkasabi niya non ay napatingin ako sa mga mata niya na sigurado akong nakatingin din sakin.Mali.NAKATITIG Sakin.

"I'm Dreck King Johnson I'm from California nanggaling na ako dito dati first year but we need to go in california kaya bumalik kami doon.Pero eto ako bumabalik dahil sa dalawang napakamahalagang dahilan."sabi niya ng hindi man lang iniiwas ang tingin niya saakin.

"My KING "pabulong kong sambit sa aking sarili ng hindi man lang kumakalas sa titigan naming dalawa.

'Dreck King Johnson' My King😍❣

A/N: napakaassumengera talaga ng Sophia na to .Her King agad e hindi pa naman niya pagmamay -ari.
By the way Enjoy Reading.😁sana wag kau macornihan😅❣
sorry sa mga wrong grammar hihihi.
correct me if I'm wrong 😅

Stupid Thing Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon