Chapter 11:Kiss

8 1 0
                                    

3pm na ng magising ako.Matagal-tagal din pala akong nakatulog.Pumasok ako sa banyo upang maligo.Napagdesisyonan ko kasing magpunta nalang ng Mall upang libangin ang isip ko.

Ng makarating ako sa Mall ay tinext ko si Sanny para puntahan niya ako dito sa Mall.
And then ilang minuto lang ay dumating siya.umupo kami isa sa mga bench dito sa mall at kwenento ko lahat ng nagyari saakin kanina.

"Omygosh Ulann?Hindi ka man lang niya hinarap?"galit na tanong niya.

"Kasalanan ko naman yun e" sagot ko

"Hay naku ulan hayaan mo nga siya.marami pang lalakeng darating.Hindi lang siya ang nag-iisang Dreck dito sa mundo no" naiinis na sabi ng kaibigan ko

Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na kami sa Mall upang kumain konting ikot lang sa mall at nauna ng umalis si Sanny dahil may emergency daw sa bahay nila.

It's already seven in the evening,nakapagtext na ako kay kuya at mama na nagpunta ako dito sa mall.
Ng makalabas ako sa mall ay naalala kong wala pala akong dalang sasakyan .kaya naglakad ako papuntang high way para kumuha ng taxi.7pm palang pero bakit parang wala ng tao.nakakatakot tuloy lalo na sa madilim na part ng kalsada.

Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong tao sa likod ko.Nilingon ko ito pero wala akong makita.hindj pa ako nakakalayo ay may narinig na naman ako.
sa sobrang kaba ko ay humanda na akong tumakbo at dahil sa nakaheels ako ay nadapa ako.
OMG.ang sakit.agad ako tumayo at tinaggal ang heels ko at uumpisahan ko na sanang timakbo ng biglang may humila sa kamay ko papunta sa madilim na bahagi ng lugar na ito.

Nanigas ang buong katawan ko .nangangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba.Hindi ako makagalaw mamamatay na ba ako?sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Sa susunod huwag mong hahayaang nag-iisa ka" sabi niya

"Sino ka?" kinakabahang tanong ko.
Tinakpan niya ang bibig ko upang "Shhh" pagpapatahimik niya .at laking gulat ko ng may maaninag akong lalake sa pinanggalingan ko.

Inalis niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko at naramdaman ko nalang ang isang malambot na bagay ang dumampi sa bibig ko.Sa halik na yon iisang tao ang pumasok sa isip ko .Dreck?

"Sophia?" may kong sinong boses lalake ang nagtawag sa pangalan ko .At kasabay non ay ang pag-alis ng kong sinong lalakeng humalik saakin.At eto ako naiwang tulala.

"Sophia!" tawag ulit sa pangalan ko. Lumabas ako sa lugar na pinagtaguan namin ng stranghero na yun at nakita ko si Angelo na papalapit sa saakin.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

Muntik na ako don.Kong hindi ako niligtas ng lalakeng yun.Malamig na bangkay na ako ngayon.Naramdaman ko na naman ang kaba na kanina lang ay nawala.Unti-unti nalang nanghina ang tuhod ko.At bigla nalang akong nahilo inaasahan ko ng babagsak ako sa cemento ng bigla nalang may pamilyar na boses ang tumawag saakin at bumagsak ako sa matitipunong braso niya.Bago ko tuluyang naipikit ang mata ko ay nakita ko siya.

"Dreck?" mahinang tawag ko sakanya


Angelo Reyes POV

"Ano ba kasing buong nangyari?" tanong ng kaibigan ni Sophia,na nagmamadaling napunta dito sa condo ko matapos malaman na nahimatay si Sophia.

"Tsss.Si Dreck ang tanungin mo hindi ako." sagot ko sakanya.At matalim ang mata niyang tumingin kay Dreck na nakaupo lang sa gilid ng kama na kong saan nakahiga si Rain.
Magtatanong na sana ulit si Sanny ng biglang.
"Sa susunod  huwag mong iiwang mag-isa ang kaibigan mo" seryosong sabi niya. "Paano nalang kong hindi ko siya nakita non.Edi may nangyari ng masama sakanya" dugtong pa niya

Stupid Thing Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon