Chapter 10:'I Like You'

4 1 0
                                    

Isang linggo mula nong huli kaming nag-usap.Simula non ay tuluyang hindi na niya ako pinansin.It's Thursday tapos na ang Exam namin nong Monday.Nagpapasalamat nga ako at nagawa kong Makakuha ng mataas kahit na may gumugulo sa isip ko.

Ilang linggo ko ng dala-dala ang bigat dito sa dibdib ko.Ang hirap ng ganito.Nasanay akong laging kausap siya pero ngayon parang hindi kami magkakilala.Isang linggo ko siyang dinedma kahit pa gusto ng puso ko na lapitan siya at kausapin.Nagbabakasakali kasi akong sa isang linggo na hindi ko pagpansin sakanya ay makalimutan ko ang nararamdaman ko sakanya.
Pero nagkamali ako.Hindi ko siya kayang kalimutan.Pinagsisisihan ko ang mga araw na nagdaan na hindi ko man lang siya sinubukang kausapin.

"May problema ba anak?" tinignan ko si mama sa Salamin.Si papa at mama ang naghatid saakin sa school ngayun nasa likod ako at nasa passenger seat naman si mama.

Ngumiti ako bago sumagot sa tanong ni Mama.
"Magsisinungaling po ako kong sinabi kong hindi." walang pag-aalinlangan sagot ko.Wala naman na akong dapat itago kay mama at papa.Kwenento ko na lahat sakanila.

"Diba sinabi ko naman sayong bawas-bawasan mong pag-iisip sa lalakeng yun." singit ni papa. hindi ko sinabi kay papa kong sino ang lalakeng tinutukoy ko

"Hindi ko po mapigilan."sagot ko

"Huwag mong pigilan.Dahil kong Pinipigilan mo lalo lang lumalala.Hayaan mo lang na isipin siya.Mawawala rin yan ng kusa baby." sagot naman ni mama

"Akala ko mawawala pero lalo pa yatang lumala."mahina kong bulong sa sarili ko.

Hanggang sa makarating na ako sa school.Nakangiti akong pumasok sa loob ng room.Ganito naman lagi e,nagpapanggap na masaya kahit hindi.Pinigilanbkong hindi sumulyap kay Dreck  pero hindi ko talaga maiwasang tumingin sakanya.At sa ilang araw na nagagawi ang mata ko sakanya ay ito na naman .Nakatingin siya sa saakin.Hindi nawala ang ngiti ko sa labi.Dere-deretsyo lang akong naglakad papunta sa tabi niya at ng nakaupo na ako ay hindi ko napigilang batiin siya
"Good Morning" bati ko,hindi na ako aasa na babatiin niya ako pabalik.
pero ilang segundo pa ang lumipas
"Magandang araw din sayo binibini" bati niya
Liningon ko siya.hindi ako makapaniwalang binati niya ako.

Nakangiti siyang nakatingin saakin.Ang bilis magbago ng emosyon.Sa ilang linggong hindi kami nagkibuan eto na naman.Hindi parin nagbabago ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing tinititigan ko siya sa mata.

"Good Morning class" bati ng kakarating lang naming teacher.agad kaming nag-iwas ng tingin.
Sa buong klase ay tahimik kaming dalawa.hanggang sa maglast subject.
pero ng malapit ng matapos ang Last subject namin nitong umaga ay muli siyang nagsalita.

"Lunch?" siya
nilingon ko siya upang siguraduhin kong ako ba ang kinakausap niya?

"Huh?" naguguluhang tanong ko ng makitang saakin siya nakatingin.
"Tsss.Stupid"mahina niyang sabi,pero rinig ko naman .Stupid daw ako?gago ba siya?.naiinis akong ibinalik ang tingin ko sa harapan.

"Sabay tayo magLunch" Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon dahil malakas ang tono ng boses niya.Napatingin tuloy saamin ang ibang classmate na malapit saamin.buti nalang hindi iyon narinig ng teacher namin.
"Stupid!" bulong niya ulit
Nilingon ko ulit siya.

"Pwede namang ibulong mo lang.Bakit kailangan lakasan?" tanong ko sakanya.pero hindi parin siya lumilingon,seryoso parin siyang nakatingin sa harap

"Tss.Ano sasabay kaba saakin magLunch?" seryosong tanong niya.pero hindi naman siya tumitingin saakin

"Ako ba ang kausap mo?" paninigurado ko.

Stupid Thing Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon