Ardy Reyes POV(Twin brother of Angelo)Kakarating ko lang sa school namin.It's already 8am .Oo na maaga pa ako sa second subject namin.haha.
Hai reader's I'm Ardy Reyes Angelo twin brother.Pero mas gwapo ako don ng konti kahit pa makahawig kami.Nagpunta muna ako sa tambayan ko dito sa dulo ng school namin upang hintayin na magsecond subject na.
Umakyat ako sa puno upang doon muna tumambay para walang makakita saakin dito.Ilang minuto lang ang hinintay ko at tumunog na ang bell.Bababa na sana ako dito ng biglang may isang babaeng dumating at umupo sa mga upuan na narito.
ano naman ginagawa ng isang napakagandang babae dito.
bigla na lang may tumulong luha sa mata niya.Hindi muna ako bumaba,pinagmasdan ko muna ang babaeng kakarating lang."Ano naman kayang problema ng isang to?" mahinang tanong ko sa sarili ko.Sa unang tingin ay mabibighani ka sa kagandahan niya.
kalagitnaan ng iyak niya ay bigla nalang siyang nagsalita "Kong tignan mo ako parang wala tayong pinagsamahan" umiiyak na kausap niya sa sarili.
"Ang sabi mo kalimutan ko lang yong halik mo saakin.Pero bakit parang kinalimutan mo na ako?huhuhu" Dugtong niya pa. "Bakit ba ganito?" tumingala ako sa kalangitan "Ano bang ginawa kong mali bakit ko nararamdaman tong ganitong sakit?" naiiyak niya parin sabi.Nakakaawa siya.Yumuko siya pero hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak niya. "Nagmahal lang naman ako,pero bakit ganito?" dugtong pa niya.Dahan dahan akong bumaba sa puno at lumapit sakanya inabutan ko siya ng panyo.
"Napakaganda ng mga mata,Huwag mong sayangin ang luha mo sa taong hindi naman dapat iniiyakan" alam kong wala akong karapatang magsalita ng kong ano-ano kasi hindi ko naman alam ang buong istorya.pero hindi ko mapigilan e.Alam ko naman ng about sa love kaya siya umiiyak
Inangat niya ang ulo niya upang tumingin saakin.May mga luha parin ang nasa pisngi niya.Nakaramdam akong parang gusto ko iyong punasan.Ng tinitigan ko siya sa mata ay makikita mo talaga ang sakit na nararamdaman niya pero nakuha niya paring ngumiti.Napakaganda niya kahit pa pilit lang ang ngiti na pinakita niya.Inabot niya ang panyo na inabot sakanya.
"Dapat kasi hindi ka nagBoyfriend ng sobrang Gwapo."hindi ko mapigilang komento koNaiiyak ba siya o natatawa sa sinabi ko.
"Huwag kana umiyak.Kong niloko ka pabayaan mo." sabi ko pa"Paano mo naman nasabing Niloko ako?" tanong niya
"Alam ko lang." tipod na sagot ko
"Hindi ko siya boyfriend hahaha" natatawa niyang sabi "Hindi nga niya alam na gusto ko siya"pero bigla ring sumeryoso ang mukha niya at tumingin siya saakin. "Walang kami pero nasasaktan ako.hindi ko na alam ang gagawin ko" naiiyak na naman niyang sabi.
"Ano ba kasing buong nangyari?malay mo makatulong ako." tanong ko sakanya.At bigla na lang niya kwenento ang mga nangyari Na para bang close niya ako.Eh?ganon ba talaga siya kahit hindi niya kilala nagkwekwento siya.Binibiro ko lang naman siya kanina.
"Bakit hindi mo aminin?" komento ko ng natapos siya nagkwento.lumiwanag ang mukha niyang tumingin saakin.para bang nabuhayan siya ng loob. "Kaming mga lalake karamihan torpe."dugtong ko pa
"Paano kong hindi niya ako gusto?"malungkot niyang sabi
"Atleast nagtry ka na sabihin ang nararamdaman mo sakanya."sabi ko
"Hindi ko kaya." tipid na sagot niya "Ano palang ginagawa mo dito?"pag-iiba niya "Wala kabang Subject Angelo?" tanong niya pero nagulat ako sa itinawag niya saakin.
Kilala niya si Angelo?At buong akala niya ako siya?sabi ng mas gwapo ako don e.
"Babalik ko na lang ito sayo,Lalabahan ko na muna." sabi niya .tinutukoy niya ay ang panyo na inabot ko sakanya. ''Salamat sa advice Angelo.Thank you" at niyakap niya ako
Close ba sila ni Angelo?At umalis na siya.hindi ko man lang sinabi na hindi ako si Angelo at ako si Ardy.
Mabilis akong tumakbo ng maalala kong late na ako sa second subject ko.Sh*t late na naman ako.Rain Sophia POV
Nagpunta muna ako ng Comfort Room upang ayusin ang sarili ko bago ako nagtungo sa Canteen.Nakakagutom pala mag-emote.Thanks to Angelo dahil andon siya para damayan ako.nabawasan ng konti ang bigat na nararamdaman ko.Kahit pa nakakapagtaka kong bakit andon siya.Antagal niya kasi sumagot e.kaya iniwan kona siya hehe.
Bumili lang ako ng Sandwich at spaghetti para sa lunch ko ng makaupo ako ay bigla nalang siyang umupo sa tapat ko.
"Saan ka nagpunta?" may pag-aalala sa boses niya.tinignan ko siya sa mata.Iba na ang titig niya.ibang-iba sa titig niya kanina."Umiyak kaba?Bakit namumugto mata mo?" sunod-sunod na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot nakatitig lang ako sa mata niya punong-puno na pag-aalala.
Bakit mo ba ako pinapahirapan Dreck?
"Concern kaba talaga?sa mga mata mo nakikita kong nag-aalala ka saakin." sabi ko "O gawa-gawa lang ito ng isip ko" dugtong ko pa.para tuloy akong maiiyak na naman."I'm sorry,It's all my fault" sambit niya at bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at umalis na.
"Oo!Kasalanan mo ang lahat ng ito Dreck King Johnson.Hindi mo alam kong gaano mo ako binabaliw ng sobra"bulong ko sa sarili ko
Pinilit kong pigilan ang luhang papatak na naman sa mata ko pero may isa dalawang butil ang tumulo sa mata ko.agad ko itong pinunasan.
"Tama na sa pag-iyak sophia." bulong ko sa sarili ko at pinagpatuloy ulit ang pagkain sa harap ko.
After Lunch ay napagdesisyonan ko nalang pumasok sa subject ko kaysa umuwi.Kasi kapag umuwi ako maraming tanong na naman si Mama at Papa.kaya kahit ang bigat ng pakiramdam ko ay tinungo ko na lang ang Classroom namin.
Malapit na ako sa pinto ng Room namin ay May tumawag sa pangalan ko.
"Ulannnnnn "masayang tawag niya at dali-daling lumapit saakin.pero agad ding nagbago ang expression ng mukha niya ng makita niyang malungkot ako "Sinong nagpaiyak sayo?" nag-aalalang tanong niya
"Wala to." tipid na sagot ko.Nagpasiya akong hindi nalang pumasok ganon din ang bestfriend ko nagtungo kami sa dulo ng school.At doon mag-usap .tahimik kasi doon,ng makarating kami doon ay agad kong niyakap si Sanny.At ruluyan na namang tumulo ang luha ko.
"Sinabi ko na kasing dahan-dahan lang e" paalala niya sa mga sinabi niya saakin.sabay haplos sa likod ko. "Sinabi ko ng nakakamatay ang sobrang pagkagusto mo sa isang tao na hindi naman alam ang tunay na nararamdaman mo." dugtong pa niya "Tahan na.Para ka namang niloko sa pag-iyak mo e.haha" natatawa niyang sabi
kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Ikaw talaga nakakainis ka.Umiiyak na nga ako dito nakukuha mo pang tumawa" sagot ko"Baka kasi maiyak din ako kapag pinagpatuloy mo yan.Kaya tahan na.Walang patutunguhan yang pag-iyak mo no." sabi niya "Sinabi mo ba sakanya na gusto mo siya?" tanong niya saakin
"Hindi.Wala siyang alam." sagot ko.
"Aminin mo kaya." komento niya.
"Parang hindi ko kaya."sagot ko "At tsaka babae ako." sagot ko"Oh?ano ngayun?Hindi ba pwedeng magtapat din ng nararamdaman ang mga babae?" sagot na tanong niya "Malay mo hinihintay ka pala niyang sabihing gusto mo siya." dugtong niya
"Parang imposible namang magkagus--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko
"Bakit hindi?Maganda ka Sophia.At sexy .Walang dahilan para hindi siya magkagusto sayo."putol niya sa mga sasabihin ko "At yong kiss.Bakit ka niya hahalikan kong wala rin siyang nararamdaman para sayo?" dugtong pa niya"Wala yun ibig sabihin sakanya." malungkot kong sabi
"Hindi natin alam hanggang hindi siya ang nagsasabi na wala lang yun hindi ako maniniwala."sabi niya
Antagal pa naming nag-usap ni Sanny.Kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.Hanggang sa napagdesisyonan na naming umuwi.
Nang makauwi si Sophia ay dumeretsyo siya agad sa kama niya 'Ganito ba talaga kapag nagmahal?' yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip niya.
"Kong alam ko lang na ganito pala ang mainlove sana noon palang pinigilan ko na nararamdaman ko para sa lalakeng yon" kausap ko sa sarili ko
"Sana talaga nong una palang pinigilan ko na" huling sambit niya at tuluyan ng pumikit ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Stupid Thing Called LOVE
Teen Fiction"I'm Inlove with You!" sigaw ko sa palayong yugto ng lalakeng nagpapatibok ng puso ko. "I'm Badly Inlove with you" sigaw ko ulit .at wala na akong pakealam kong napapalibutan kami ng mga kapwa naming studyante. "Dreck King Johnson" tawag ko ulit sak...