Rain Sophia POV
Nagising na lang ako dahil sa boses ni Mama na tumatawag saakin.
"Baby?" si Mama
"Mama?" patanong na tawag ko at inilibot ang mata ko sa paligid. "Paanong?" putol na tanong ko kay Mama pero alam ko nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.
"Dreck bring you here baby" sabi ni Mama sabay haplos sa mukha ko. "Okay ka naba talaga baby?" tanong ulit ni Mama
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Yes Mama I'm okay na" sagot ko.
"Kaya mo na bang pumasok?" tanong niya
"Opo naman mama.Hindi naman ako nagkasakit e" sagot ko"Magbihis ka na at para makasabay ka sa kuya mo." tumayo si Mama at tatahakin na ang daang palabas ng kwarto ko pero agad din siyang huminto sa may pinto at nagsalita ulit "Remember Baby huwag na huwag kang lalabas ng wala kang kasama.Thanks to Dreck at walang nangyari sayong masama." ngumiti si Mama "Sige na ligo na" dugtong ni Mama bago siya lumabas ng pinto ng kwarto ko.
Pagkaalos ni Mama ay agad akong nagtungo sa Banyo upang gawin ang Morning ritual ko.And then ayos lang ng konti at bumaba na ako.Pagkatapos naming kumain ni Kuya ay agad akong nagtungo sa kotse niya upang doon na lang siya hintayin.
"Who's Dreck?" bungad na tanong ni kuya ng makapasok siya sa kotse.
Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya.
"Amm C-classmate ko Kuya" utal na sagot ko.Tumingin siya saakin ng napakaseryosong mukha"Sure?" tanong niya "O baka naman Crushmate mo.hahaha" tukso niya
"No kuya.hmpft" sumimangot na lang ako at isinandal ang ulo ko sa headboard ng upuan.Akala ko papagalitan ako ni kuya aasarin lang din pala ako.
Pagkadating ko sa sa School ay agad akong nagtungo sa Classroom namin.Pero bago pa man ako makapasok sa loob ay hinarang na ako ni Sanny at niyakap.
"Ulan sa susunod hindi na kita iiwan" malungkot na sabi niya "Kong hindi sana kita iniwan non wala sanang nangyari sayong masama" dugtong pa niya.
"Okay lang ako Sanny.Wala naman nangyari saakin na malala" paliwanag ko.
"Kahit pa.Napakapabaya kong bestfriend.hindi ko man lang naisip yon." sabi pa niya
"Huwag mo na sisihin ang sarili mo.Pumasok ka na sa klase mo at pareho tayong malalate niyan hahaha" sabi ko "Mamaya na tayo mag-usap." dugtong ko pa.
"Sige.Bye Ulan" Paalam niya ng makakalas siya sa pagkakayakap saakin.
Pagpasok ko ng Pinto ng Calssroom ay agad kong nakita si Dreck.Nakatingin siya saakin.Deretsyo akong nagtungo sa tabi niya.
"Kamusta kana?Ayos na ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong niya.
Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Oo naman." tipid na sagot ko."Galit ka ba?" malungkot na tanong niya
"Bakit naman ako magagalit?may ginawa ka bang mali?" tanong ko.
"Yes.And I'm sorry for that" sagot niya
Naalala ko tuloy yong gabing yun.Bakit siya nandon?At sino yong humalik saakin?Tinignan ko si Dreck na tahimik na nakatingin sa harap. Posible kayang...
"Huwag mo naman akong tignan na para bang napakarami kong maling nagawa" biglang sabi niya.nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon na lang ang atensyon ko sa Guro na nag-tuturo sa harap.
BINABASA MO ANG
Stupid Thing Called LOVE
Teen Fiction"I'm Inlove with You!" sigaw ko sa palayong yugto ng lalakeng nagpapatibok ng puso ko. "I'm Badly Inlove with you" sigaw ko ulit .at wala na akong pakealam kong napapalibutan kami ng mga kapwa naming studyante. "Dreck King Johnson" tawag ko ulit sak...