Chapter 15:Same Feelings?

2 0 0
                                    

Rain Sophia POV

Monday Morning it's already 5am maaga akong nagising.Pinilit ko namang matulog pero hindi na ako makatulog.Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.7:30 pa ang first subject namin.Pero bahala na nga papasok na lang ako ng maaga.

Paglabas ko ng Gate namin ay nag-umpisa na akong maglakad.Dahil maaga pa naman.Matagal na din kasi akong hindi nakapag-exercise hahaha.

Ng malapit na ako sa Gate ng school namin ay may mabilis na motor ang patungo sa dereksyon ko.Agad naman akong umiwas pero huli na ako dahil may matalim na bagay na parang sumugat sa braso ko.Kaya napaupo ako sa gilid ng daan dahil na rin siguro sa gulat at takot.

"Sh*t" bulong ko sa sarili ko ng makitang nagdurugo ang braso ko.Nanginginig akonh umupo sa gilid sa labas ng school para talian ng panyo ang sugat ko.Hindi pa kasi bukas ang clinic sa ganitong oras .Siguro naman hihinto ang pagdurugo nito kapag natakpan ko muna.Pagkatapos kong takpan ang sugat sa braso ko ay tumayo na ako kahit na nandito parin yong kaba baka balikan pa ako non.
Pero bago pa ako makapasok sa gate ay may humarang saakin.

"Hey b*tch?" tawag niya saakin.

"Anong problema mo?hanggang dito ba naman?" iritang tanong ko sakanya.

"Ang pagtapon mo saakin ng Ice cream mapapalagpas ko.Pero ang pag-agaw saakin ng lalakeng gusto ko HINDI!" Galit niyang sabi.

"Nababaliw ka na ba?Sino naman ang aagawin ko sayo?"inosente kong tanong.
At unti-unti siyang lumapit saakin.

"Stay away from my BOYFRIEND!"pinag-diinan niya pa ang 'boyfriend'

"Nababaliw kana ba?Eh hindi nga kita kilala" talaga namang hindi ko siya kilala

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo.I'm Sopia Angeles Girlfriend ni Dreck King Johnson.Next week na pala ang Engagement namin Invited ka.Bye" pagtapos niyang sabihin yon at umalis na siya.Maglalakad na sana ako papasok sa school ng may pumigil saakin sa braso at hinarap niya ako.

"Bago ko pala makalimutan" at bigla na lang niya akong sinampal.Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na tumingin sakanya "Para yan sa panglalandi mo sa Boyfriend ko." pagkasabi niya non ay umalis na siya.Hahayaan ko ang ginawa mo ngayon pero sa susunod na magkikita kami ng babaeng yan at gawin niya ulit saakin ang ginawa niya.
"Humanda ka!" sabi ko na may galit na boses.

Halo-halong sakit ang nararamdaman ko.Hanggang ngayon nga ay ramdam ko padin yong hapdi sa mukha ko e.
Napagdesisyonan ko na munang magpunta sa Classroom namin habang hinihintay na magbukas ang clinic pero malayo palang ako ay may naririnig na akong nag-uusap.

"Pero sa ginagawa mo nasasaktan mo na siya" sabi ng pamilyar na boses. "Panahon na siguro para naman ipaglaban mo ang feelings mo para sakanya" dugtong pa niya.Napatigil ako dahil sa boses na narinig ko.
Posible kayang si angelo at

"Aayosin ko pa tong problema ko.Dahil kong aamin din ako sakanya pareho lang kami mahihirapan." at si Dreck.Lumapit ako kong saan ko narinig ang boses na yun,nagtago ako sa likod ng pinto para hindi nila ako makita.

"Paano kong Pwede na pero hindi na pala kayo pwede?" sabi ni Angelo?Sino ang tinutukoy niya?Yong bang babaeng maarte na kasama niya kahapon?Na sumugot saakin kanina?

"Edi aagawin ko siya!At sisiguraduhin kong mapapasaakin ang puso niya.Gagawin ko ang lahat ng paraan para lang makuha ulit siya"seryosong sabi niya.Bakit aagawin?Akala ko ba Girlfriend na niya yun.

"Ang swerte naman ng babaeng mahal mo." bulong ko sa sarili ko.

"Hindi ganon kadali yun Dreck." galit na sabi niya "Sigurado akong maiintindihan niya kong sasabihin mo sakanya ang totoo.Diba mas madaling lumaban kong pareho kayong lumalaban?" napakaseryoso ng tono ng boses niya. "Mahal ka niya Dreck at sure akong Ipaglalaban ka niya sa kahit sinong humadlang sainyo" dugtong pa niya.Kong ako lang ang maswerteng babaeng yun na Minamahal niya syempre ipaglalaban ko talaga siya sa kahit sino pang humadlang saamin.Kaso hindi ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid Thing Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon