07

176 5 0
                                    


"Ano? Diba sabi ko naman sayo, masarap!" Sinubo nya ng isang buo yung egg covered with orange batter. Hindi ko alam kung niloloko nya lang ako pero tokneneng daw yung tawag don sabi nya sakin kanina. "Alam mo para kang alien. Ngayon ka lang talaga nakakain ng street foods? Kailan ka ba pinanganak ha?" I rolled my eyes. Kanina nya pa ako inaasar tungkol don.


"I know fishball and chicken skin kaya." Maarte kong sabi. "Tsaka nakakain na naman ako quail eggs fritters sa mga buffet restaurant na pinuntahan namin." Umiling sya at tumawa ng bahagya. Hindi ko sya pinansin at sinubo ang quail egg fritter na kinakain ko. Mas maliit ito kumpara sa tokneneng na sinasabi nya pero it's so delicious.


I thought he was arrogant and grumpy type of guy because of how he introduce himself to me earlier pero akala ko lang pala iyon. I know, this is the first time na makasama ko sya pero alam ko na agad na mabait sya. Hindi ko maitatanggi na makulit sya but he is very nice and down to earth. Madali syang pakisamahan. Para lang syang sina Vincent at Russell.


We're sitting here sa bench hindi kalayuan sa university. Medyo maingay dahil may mini playground sa tabi namin at madaming mga bata ang naglalaro doon. Nagsisimula na ding maging kulay kahel ang paligid bilang tanda na malapit ng lumubog ang araw. Ngumiti ako sa angking ganda nito. Sunset.


"Ang ganda..." Agad kong kinuha ang camera ako pinicturan ito. Ipapadevelop ko ito para mailagay sa bagong photo album na binili ko noong nakaraan.


"Ang ganda nga..." Rinig kong bulong nya kaya napalingon ako sa kanya. Nagulat ako ng magtagpo ang mga mata namin. His hazel eyes look so attractive. Is it real or is he just wearing contact lenses?


"H-huh?" Agad niyang iniwas ang tingin sa'kin at ibinaling ang tingin sa takipsilim.


"Wala, sabi ko ang ganda ng araw kahit papalubog na." Tumingin ako sa tinitingnan nya at ngumiti. Yeah, he's right. It's so beautiful. I remember ate Alessandra when we were young, we used to watch sunset everyday after school. I miss her... so much. "Picture tayo?" Tanong nya.


"Huh?" I asked pero hinila nya ako papunta sa katapat na bench.


"Ate! Pede pong picturan nyo kami?" Wika nito sa babae. Tumango naman ito kaya ibinigay nya ang phone dito.


Magkatabi kaming umupo doon at tumingin sa kamera. Nagpeace sign ako sa mga sumunod na kuha para hindi lang puro smile ang nandon. Bahagya naman akong tumawa ng makita ko syang ginaya ako. Pumikit ako sa huling kuha na tila ba ay dinadama ang buong kapaligiran habang nakangiti.


"Ate, pede dito din po?" Tumayo ako at inabot naman ang camera ko para mas malinaw.


Ngumiti ako sa harap ng camera. Nakita kong nagpost sya na para bang kakainin nya ang tokneneng hawak nya kaya ginaya ko sya at itinaas din ang akin. Narinig ko naman ang marahan nyang pagtawa.


"Thank you po." Ngumiti ako sa kanya bago kinuha ang camera. Naramdaman ko naman ang presensya ni Forth sa tabi ko.


"Thank you ate." Marahan naman nyang sabi.


Night above the City LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon