#3

729 49 15
                                    

"Bitterness and love can't live together in the same heart. Each day, you must decide which one has to stay." - 7 Laws of Love by Dave Willis

******

Kristina

Kung di man kita mapapaalis sa kompanyang to, the least I can do is pahirapan ka for the next 6 months.

Tangina mo Gabriel! kasing pait mo pa ang ampalaya sa pagka bitter!

That was the only defense I could think, because guilt was also slowly eating my conscience.

Hanggang sa pag uwi ko, ang mga salitang yun ang nasa isip ko pa rin. Parang kay hirap e absorb ang lahat ng nangyari ngayong araw.

Pinili kong maglakad nang makababa ako ng bus para makapag isip isip. Medjo malayo pa ng konti ang kalye namin at may mga dadaanan pa akon stalls at ilang shops bago makarating sa tinitirhan kong bahay pero mas minabuti ko na munang lakarin yun.

I needed this time for myself to think kayat kahit nakasuot ako ng heels, ok lang.

My mind wandered sa mga alalang matagal ko nang kinalimutan.

Pinakasalan ako ni Gabriel dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. We were young then, fresh grad lang kami noon, and we were lost in our own bubble. But his parents weren't happy with that idea. In fact, they had gone through hell and high water para lang mailayo ako sa anak nila. They always thought I was not good enough for their son... for their family's name. Oo nga naman, sino ba naman kami para sa mga Ledesma? I was a nobody na minahal lang ng anak nila.

But Gabriel had given up his inheritance at pinili ako. Tanging pagmamahal lang ang makakagawa ng ganun.

But then, I made the most despicable decision that shattered him and ended our marriage.

A year after our marriage, Gabriel's parents offered me two million pesos para hiwalayan ang anak nila, na nakatakdang magiging tagapagmana ng kanyang negosyo. Tinanggap ko ang pera, inimpake ang lahat kong gamit at iniwan si Gabriel ng walang paalam. Kasama ng deal sa pagbigay ng pera ng parents nya ay ang pag-iwan ko sa kanya ng walang pasabi. Parte na rin ang dun ang pagpapaperma nila sa akin ng aming annulment at ng isa pang kontrata para makasigurong hindi na ako hahabol. Gusto nilang kamuhian ako ni Gabriel, at sa tingin ko, naging matagumpay nga yun.

Nakita ko kung pano ako kinasusuklaman ni Gabriel ngayon.

I was left with no choice at that time. I was carrying a heavy baggage ng pamilya namin. We were in deep debts at may sakit ang Mama ko. Nang mamatay si Papa, iniwan nya sa amin ang napakalaking utang sanhi ng kanyang bisyo at isa na dun ang pagkasanla ng aming bahay sa banko. Nakita ko kung gaano kahirap ang naranasan ni mama, hanggang sa nagkasakit sya.

Tatlo kaming magkapatid. Si Kuya Kalvin at ang bunso naming si Karlo, pero gaya ng Papa, nalululong din si Kuya Kalvin sa bisyo. Di nya kinaya ang responsibildad ng magtayong padre de pamilya sa amin, kayat ang druga ang naging daan nya sa pagtakas ng kanyang responsibilidad. We had a very hard life.

Marrying Gabriel was also my escape, somehow. But when he gave up everything to choose me, sa loob ng isang taon, di din naging ok ang buhay namin. He had tried all his best para mabigyan ako ng magandang buhay, pero kapos na rin sya sa natatanging savings na meron sya when he turned his back to his family, and because of that, di ko nakayang ipaalam sa kanya ang totoong estado ng pamilya ko.

When his parents offered me a bribe, isa lang ang nasa isip ko, ang kanyang kapakanan at ang kapakanan din ng pamilya ko.

It was no longer about myself, para na sa mga taong mahal ko... Si Mama, si Kuya Kalvin, si Karlo.... si Gabriel.

GIVE LOVE A CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon