Messenger
Izeah Quezada
JUNE 13 AT 12:41 AM
Francesca:
Bigyan kita ng piso maghanap ka ng makakausap mo bwisit ka
Izeah:
Tangeks seryoso ako
Francesca:
Seryoso din ako ano akala mo
Izeah:
Malay mo lang long lost brother mo pala siya
Francesca:
Magka edad lang kami
Izeah:
Okay then
Pinsan?
Francesca:
Ewan ko sayo
Izeah:
But you know
That's nice
To have a go-to person
Francesca:
Yeah it is
But now he is MIA
Izeah:
Malay mo tulog lang talaga
Don't overthink
Francesca:
As if I want to overthink
Izeah:
Matulog ka na lang
Para hindi mo na siya isipin
Francesca:
Hindi nga ako makatulog kasi iniisip ko siya
Izeah:
Inom ka ng gatas para antukin ka
Francesca:
Aagawan ko pa yung kapatid ko e wala na nga kaming pera
Izeah:
Hirap pala
Osige ganto na lang
Magbilang ka ng tupa
Francesca:
Anong tupa
Izeah:
Di mo alam yon?
Magbibilang ka lang ng tupa
Kunware
Isang tupa, dalawang tupa
Francesca:
Parang tanga naman
Izeah:
Effective to baliw
Pero dapat tagalog
Wag ka magchecheat
Francesca:
Bakit kelangan tagalog pa
Ang arte naman ng mga tupa na yan
Izeah:
Mas makakapagfocus ka kasi mahirap magbilang pag tagalog lalo na paglampas ng sampu
Francesca:
Tignan mo mga tinuturo mo sakin puro kalokohan
Izeah:
Hindi yan kalokohan!
Gawain ko kaya yan
Francesca:
Exactly duh
Izeah:
Wala namang masama kung susubukan mo
Basta ilayo mo phone mo sayo, hinga ka ng malalim tapos pumikit ka ifocus mo yung utak mo sa dilim tsaka ka magbilang
Francesca:
Seryoso ka talaga diyan?
Izeah:
Oo ngaaaa
Tinutulungan lang kita
Francesca:
Fine
Izeah:
Bilang well
Delivered
BINABASA MO ANG
Mine, Steal, Grab (QuaranFling Series #3)
Teen FictionTo help her parents during the COVID-19 crisis, Francesca Valencia started decluttering and sold her old clothes online. Everything's going smoothly until someone left a weird comment on one of her post. --- Credits to the rightful owner of the pho...