F R A N C E S C A
August 11, 2020
Maaga akong gumising para gumayak papuntang school pero mukhang mas maagang nagising si Mama dahil wala na siya noong bumangon ako.
Sabi niya ay back to business na kami agad dahil maraming bayarin. Ayoko pa nga sana dahil gusto ko magpahinga muna siya kahit isang araw lang pero ayaw niya. Sayang daw ang kikitain.
Sinabihan niya pa akong huwag na munang papasukin si Izeah dahil hindi daw niya kayang swelduhan. Umoo na lang ako kahit na may usapan na kami.
Ipinaghanda ko muna ng almusal sila Chezka at ibinilin sa kanya ang mga gagawin. Magaalas-otso na ng lumabas ako ng bahay.
Inaayos ko ang mask ko nang makita ko si Izeah na nakaupo sa motor niya.
Nagtama ang mga mata namin pero umarte ako na hindi ko siya nakita.
Anong ginagawa niya rito?
"Ces," tawag niya sa akin.
Napapikit ako at naglakad pabalik sa kaniya.
"Akala ko ba okay na, Izeah? Nag-usap na tayo kagabi 'di ba?"
"Mag-eenroll ka ngayon, 'di ba? Sabay na tayo," sabi niya na parang hindi narinig 'yong tanong ko.
Maingat niyang iniabot sa akin ang helmet na inilaan niya talaga para sa akin. Sinubukan niyang isuot 'yon sa akin pero umatras ako.
"Izeah, ano ba?" Madiing bulong ko sa kaniya.
"Ces..."
"Akala ko ba alam mo limitasyon mo?"
"Alam ko. Pero hindi ko kaya, Ces. Hindi ko kayang iwan ka sa laban mo pagkatapos kong ipangako na nandito lang ako lagi para sa 'yo."
Umiling ako, "Izeah..."
"Alam kong hindi natapos ang laban mo kahapon. Marami ka pa ring problema. Gusto kitang tulungan. Ayokong iwan ka mag-isa. Hindi ko kaya, Ces."
Hindi ako maka-imik.
Buo na ang isip ko kagabi na kakayanin ko 'to na mag-isa. Na may nawala pero hindi kailangang may dumating para maging okay ako. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, pakiramdam ko parang may parte rin sa pagkatao ko na mawawala kapag itinulak ko siya palayo.
"Please? I can't promise that I will take them away but I promise to stay so you can have someone to share the burden with."
I looked directly in his eyes. Kita ko ang pagmamakaawa sa mga ito.
Ngayon ko na lang siya ulit natitigan ng ganito. Madalas kaming magkasama sa mga nakaraang araw pero pakiramdam ko ay na-miss ko siya.
Ayokong idamay siya sa mga problema ko dahil ayokong mahirapan rin siya pero mukhang mas mahihirapan lang kami pareho kung wala kami sa tabi ng isa't isa.
I surrendered and destroyed the walls I've put up for the past few days.
I reached for the helmet and wore it myself. Kita ko ang pagngiti ng kaniyang mga mata na nakapagpainit sa puso ko.
My heart hurts just by looking at him but it was the good kind of hurt that I would always want to feel.
---
fin.
BINABASA MO ANG
Mine, Steal, Grab (QuaranFling Series #3)
Teen FictionTo help her parents during the COVID-19 crisis, Francesca Valencia started decluttering and sold her old clothes online. Everything's going smoothly until someone left a weird comment on one of her post. --- Credits to the rightful owner of the pho...