Messenger
Izeah Quezada
JUN 13 AT 12:26 AM
Izeah:
Ikaw na mismo nagsabi
Lahat naman ng tao may issue sa buhay
At di ka exempted don
Pero at least sila
Yung mga tao sa paligid mo
May ikaw na handang makinig sa mga kwento nila
E ikaw? Anong meron ka?
Francesca:
Siya
Izeah:
Ganda ng mga pasok ko tapos bigla kang magpapaka-corny diyan
Francesca:
Tarages sumasagot lang ako sa mga tanong mo bakit biglang kasalanan ko?
Izeah:
Hahahaha sorry na
Okay sige
Bakit siya?
Francesca:
Idk
Hindi talaga ako mapag-open na tao. Minsan siguro. Pero yung hindi sinasadya lang. Yung kumbaga natangay lang sa usapan.
Pero yung intentionally, ayaw ko kasi nga yun yung naiisip ko. Na makakadagdag lang ako sa mga problema nila.
Pero kay Jairo, ewan ko. Nakatulong siguro na stranger kami sa isa't isa, literally. Tapos nakilala ko pa siya sa dark days ko which happened to be his dark days, too.
Basta nagulat na lang ako, naikwento ko na sa kaniya lahat ng drama ko sa buhay.
He became my comfort.
Izeah:
So you mean is magaan ang loob mo sa kaniya?
Hala ka hindi kaya lukso ng dugo yan?
Seen
BINABASA MO ANG
Mine, Steal, Grab (QuaranFling Series #3)
Teen FictionTo help her parents during the COVID-19 crisis, Francesca Valencia started decluttering and sold her old clothes online. Everything's going smoothly until someone left a weird comment on one of her post. --- Credits to the rightful owner of the pho...