Messenger
Izeah Quezada
JUN 22 AT 8:26 PM
Izeah:
Char
Hahaha
Francesca:
Sabi na e hahaha
Izeah:
Anong sabi mo?
Francesca:
Na nantritrip ka na naman
Izeah:
Sabi na yan rin iisipin mo e hahaha
Francesca:
Bat naman hindi
Izeah:
Wala wala
Tapos ka na magligpit?
Francesca:
Oo
Katatapos
Izeah:
Pagod?
Francesca:
Medyo lang
Di kagaya dati
Ikaw ba?
Izeah:
Di naman
Mas nakakapagod pa rin sa fast Izeah
Francesca:
Nakakamiss magjollibee
Hahaha
Izeah:
Alam mo ba kung saan tayo unang nagkita?
Francesca:
Sa uni?
Izeah:
Hindi
Francesca:
Saan?
Izeah:
Sa Jollibee
Francesca:
Weh? Kelaaan?
Izeah:
Nung bakasyon bago tayo magfirst year
Francesca:
Crew ka na non or customer din?
Izeah:
Crew. Kakastart ko nung araw na yon
Francesca:
Pano mo ko natandaan hahaha
Dami lagi tao sa Jollibee Crossing
Haba naman nyan hahaha
Izeah:
Hapon na kasi non. May pumasok na matanda nagtitinda ng gulay. Akala nung guard bibili so pinapasok nya. Tapos nung lumapit na sa mga mesa hinila nung guard kasi protocol sa kanila yon na bawal maistorbo yung mga customer pero lumapit ka sa matanda tapos bumili ka kaya yung nasa ibang table nagsibili rin hanggang naubos yung tinda nya. Inabot mo pa yung burger mo sa kanya bago sya umalis.
Francesca:
Ay oo naalala ko naaa. Si tatay deo yon
Nagtaka pa si mama bat may dala akong isang supot ng pechay pag-uwi
Izeah:
Alam mo pa talaga pangalan? Hahaha
Francesca:
Tinanong ko
Naawa kasi ako
Gusto lang naman maghanap buhay nung tao tapos mapapapalayas at mapapahiya pa ng ganon
Izeah:
First day ko palang non. Kakasimula lang ng shift ko tapos biglang may ganong nangyare pati sa kitchen nagtaka mga tao ano daw meron
Kaya ayon nagulat ako nung nakita kita sa room
Francesca:
HAHAHAHA disaster ba first day mo
Izeah:
Hindi naman
Unforgettable lang
Naisip ko pa non
'Faith in humanity restored'
Francesca:
Hanep HAHAHAHA
Izeah:
Seryoso ako
Francesca:
Oo nga wala naman ako sinabi hahaha
Izeah:
Kala ko di ka na naman naniniwala e
Francesca:
Ang tanong mo saan tayo unang nagkita
E ikaw lang naman nakakita saken
So technically hindi tayo nagkita
Izeah:
Ako kumuha ng order mo
Seen
BINABASA MO ANG
Mine, Steal, Grab (QuaranFling Series #3)
أدب المراهقينTo help her parents during the COVID-19 crisis, Francesca Valencia started decluttering and sold her old clothes online. Everything's going smoothly until someone left a weird comment on one of her post. --- Credits to the rightful owner of the pho...