" When LOVE is strong enough it can even cause fate to change her course "
❣️❣️❣️
"Seve, wala ka nang magagawa !, Yun ang tadhana nya, yun ang nasa kapalaran nya"
No! Auntie, may magagawa ako. Hindi ko... hindi ko kayang isakripisyo ang babaeng minamahal ko
"Noon pa man ay sinabihan na kita, pero hindi ka nakinig.. walang kahihinatnang maganda ang katigasan ng ulo Seve!"
(Napaupo si Auntie Susana, ipinatong niya ang kanyang mga siko sa ibabaw ng mesa at diretsong tumingin sa akin)
"Nais mo ba talagang mapahamak ha, Seve!? Nais mo bang matulad sa sinapit ng iyong mga magulang? Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig hindi ba?"
Tulad po nila, hindi ako magiging isang duwag para sa taong pinili kong makasama habambuhay..
"Nalalapit na Seve, konting oras na lang ang natitira.. sa tingin mo ba ay magtatagumpay ka? Hindi basta away kalye lang ang papasukin mo.. kundi isang giyera "
Alam ko Auntie, at pinaghandaan ko na ang bagay na iyon.. Narito ako para hingin ang basbas nyo.. dahil hindi ko din alam kung pagkatapos nito ay may pagkakataon pang magkita tayo..
(Isang masakit at malungkot na katotohanan, dahil walang kasiguraduhan ang papasukin kung laban)
"Nawa ay magtagumpay ka , lubos kong ikaliligaya kung magkaganun man"
Salamat Auntie, mag-iingat kayo. Mauuna napo ako..
(Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay auntie Susana, yakap na hindi ko alam kung masusundan pa)"Sandali Seve... tanggapin mo ito...Hindi ko inaasahang darating ang sandaling ito, kwintas yan na ibinigay sa akin ng iyong ina nang araw na iwan ka nila sa akin upang harapin ang kaparusahan ng buong konseho.. sinabi nyang ibigay ko lamang sayo ito.. kapag dumating ang panahon ito.. "
Ano po ang meron sa kwintas na ito? At bakit ngayon nyo lamang ito ibinigay sa akin?
"Ang likido sa loob ng kwintas na iyan ay nagtataglay ng isang orasyon"
Orasyon?
***
Thank you for reading.. Votes and Comments are super duper highly appreciated~~~~Maxine 💜
To be continue...
BINABASA MO ANG
Restrain Destiny (Max's Vampire Story)
VampireAno ang kaya mong gawin para sa taong tinitibok ng puso mo; !? Hanggang saan ang handa mong labagin, para maprotektahan siya !? ; Mahirap kalaban ang tadhana, pero tila mas mahirap kalabanin ang pusong wagas na nagmamahal..