~~~~ Let me taste your blood ~~~~~~~ Seve Gavin ~~~~~
*Ilang linggo nang tahimik si Luna.. Ilang linggo ko na din syang binabantayan ng palihim .. at madalas kong makita na magkasama sila ng Dean na yun..
"Seve, wag ka munang pumasok ngayon..",.
Auntie bakit po.?
"Pinapatawag tayo ng Rahimah",. Biglang may dumaloy na kaba sa sistema ko. May ideya na kaya sila??
Sige po..
*BM Mansion
"Magandang Araw, Rahimah",. Sabay kaming yumukod sa kanya.. naiinis ako kapag nakikita ko ang mukha ng mag-amang ito..
"Kamusta Gavin?, May balita naba tungkol sa itinakda?,. Ilang buwan mula ngayon ay mangyayari na ang pinaka hihintay nating lahat",. Ikaw lang ang nasasabik sa bagay na yan, ikaw lang naman ang makikinabang..
"Nababasa ko ang nasa isip mo, Gavin.. lahat tayo ay makikinabang sa bagay na ito, kaya't magmadali ka na sa ipinag-uutos ko sayo, o baka naman may iba ka pang pinagkakaabalahan?, Kung babae yan ay kalimutan muna ,pag nalaman nya kung ano ka ay hindi ka rin nya matatanggap",.
Alam ko ang obligasyon ko, pero isa lang ang hihingin ko. Wag ninyong pakikialam ang mga ginagawa ko, lalo na't labas naman ito sa tungkulin ko sa Konseho..
"Seve!,. Pagpasensyahan na ninyo ang pamangkin ko.. Rahimah.. hindi naman sya tumitigil sa paghahanap sa itinakda..".
"Mainaman kung ganun, sabihin lang nya kung hindi nya kaya ang pinapagawa ko, narito naman ang aking anak na si Erwin, para saluhin sya sa mga kapalpakan nya",.
***
"Seve, ano ba ang ini-asal mo kanina sa harap ng Rahimah, kaya ka napag-iinitan dahil dyan sa mga pabalang mong sagot",.
Nakakainis kasi ang pagmumukha ng mag-amang yon, nasisira ang araw ko pag-nakikita ko sila..
"Seve, umayos ka nga sa mga pagsagot-sagot mo,. Baka may makarinig sayo.. kamusta na ba kasi ang paghahanap nyo sa itinakda?!",.
W-wala pa po, hindi pa namin nakikita.. sige na nga aalis na po ako..maghahanap na ako..
*Hayy andito ako ngayon sa may coffee shop.. dito kami magkikita-kita nila Miles at Dainiel tingin ko ay kailangan na nilang malaman..
"Seve, kanina ka pa?, Late na nag dismiss ng klase si Ms. Allemania e.. kamusta pala bakit kayo pinatawag nang Rahimah?",.
Miles, Dainiel m-may kailangan kayong malaman.. pasensya na kayo kung ngayon ko lang ito sasabihin.. natatakot kasi ako nung una..
"Hoy, Seve Gavin umayos ka nga, kinakabahan naman ako jan.. don't tell us na nakabuntis ka ,magiging tatay ka na?? Hhahahha",..
"Arrray!!, Binibiro lang kita e.. ang sakit mo mambatok ahh..".
"Hayy nako, Seve wag mo nang pansinin yang si Miles.. ano ba kasi yun?",.
N-nakita ko na ang itinakda..
*Gaya ng inaasahan ko,magugulat sila, nanlaki ang mga mata nila at hindi makapaniwala..
"Teka, Seve seryoso kaba?.. sino? Saan ? At kelan pa?",.
S-si L-luna
"Ano !!???",. Sabay nilang gulat..
BINABASA MO ANG
Restrain Destiny (Max's Vampire Story)
VampireAno ang kaya mong gawin para sa taong tinitibok ng puso mo; !? Hanggang saan ang handa mong labagin, para maprotektahan siya !? ; Mahirap kalaban ang tadhana, pero tila mas mahirap kalabanin ang pusong wagas na nagmamahal..