~~~~ Let me taste your blood ~~~~
"Seve, kakauwi mo lang!",
Opo, Auntie.. saan po kayo galing?
"Sa Rahimah, nagpatawag ito ng biglaang pagpupulong", seryosong sagot ni Auntie..
Ano po ang naging usapan? Napapadalas po ata ang pagpapatawag nya ng pulong.
"Huwag mo nang alamin, Seve.. maiba ako. Kamusta ang unang araw mo sa bagong eskwelahan ?, ", Pag-iiba nanaman nya sa usapan... Tuwing magtatanong ako sa kung ano ang napag-usapan sa pagpupulong ay lagi nya akong hindi sinasagot at binabaleng sa iba ang topic.
Ayos naman po.. hindi naman kami nahirapan nila Miles at Dainiel, nagkaroon kaagad kami ng mga kaibigan :)
"Mainam kung ganun, pero mag-iingat kayo, kahit sa mga tinuturing ninyong kaibigan, dahil sa oras na malaman nila ang sikreto nyo baka sila pa ang unang mag-takwil sa inyo", ayan nanaman si Auntie napaka negative nya..
Alam naman po namin ang limitasyon naming tatlo.. at isa, pagtapos namin sa kolehiyo, iiwan din naman namin sila, makakalimutan..
**Parang may kung anong kirot akong naramdaman nang banggitin ko ang salitang "makakalimutan", ..
O sya, sige na. Hindi na kita pakikialam sa bagay na iyan.. dyan ka na muna at maghahain lang ako ng hapunan..
~~
Hindi ako makatulog.. sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang mukha ng babaeng yon.. hindi ko din maintindihan pero, hindi ako nagsasawang titigan ang maamo nyang mukha..
Nagulat ako ng may kuma-lampag sa gawi ng Veranda ng kwarto ko.. kaya lumapit ako at mula sa loob ay ina-aninag ko kung ano ang pinagmulan ng ingay na yon.. hindi ko makita kaya, binuksan ko ang pintuan at malamig na hangin ang sumalubong sakin..
"Seve !!",
Mga walang hiya, kayo lang palang dalawa, anong ginagawa nyo rito? Sa ganitong oras ng gabi ha.. wag nyo sabihing may biniktima nanaman kayo?!
"We're just playing around , dude.. actually sinamahan ko lang tong si Miles e.. at ayun dumali nanaman ", pagpapaliwanag ni Dainiel .. hmm playing around!?
"Seve, nagkaroon pala ng pagpupulong kanina ang buong BM sa pilipinas, nandoon si Auntie Susana",
Alam ko, nasabi nga sa akin ni Auntie, pero hindi nya nabanggit na halos ng miyembro ay nagpunta, at isa pa, lagi naman niyang hindi sinasabi sa akin kung ano ang pinag-pupulungan .. hindi ko na lang kinukulit dahil sa huli sya rin naman ang mananalo e..
"Alam namin kung ano!",
Talaga, tungkol saan?! .. buti pa sila alam nila
"Tungkol sa itinakda !",
Itinakda?, Bata pa ako ng marinig ang tungkol doon, pero simula ng lumalaki na tayo ay hindi na nabanggit ni Auntie ang tungkol doon..
Anong meron sa itinakda?"Ang hina talaga ng antenna mo, kasapi ka ba talaga ng BM, ha.. o baka sa WM ka? Hahahh biro lang.. nakalimutan mo na agad..
Loko ka talaga, wag kang maingay at baka magising si Auntie, yari nanaman tayo.. alam nyo namang hindi natin pwedeng basta-basta banggitin ang pangalan ng mga WM..
(Ang alam lang namin ay grupo din ito ng mga bampira.. )"Eto na nga, bago matapos ang Taong ito, kailangang maisagawa na ang ritual, tuwing ikaapat (4) na taon lang nagaganap ang Red eclipse, at ito ang taong iyon, kasabay nito ang ritual ng Pagpapa-ka-imortal , ang ating pinunong Rahimah, sa kanya gagawin ang imortalismo., seryosong pagkukwento ni Miles
BINABASA MO ANG
Restrain Destiny (Max's Vampire Story)
VampireAno ang kaya mong gawin para sa taong tinitibok ng puso mo; !? Hanggang saan ang handa mong labagin, para maprotektahan siya !? ; Mahirap kalaban ang tadhana, pero tila mas mahirap kalabanin ang pusong wagas na nagmamahal..