Once

200 17 0
                                    


"What happened?"



Balisa ako ng tinawagan ako ni Tita kanina na nagkukulong daw si Estelle sa kwarto niya at hindi pa ito lumalabas. Pumunta kaagad ako dito para makita ang lagay niya. Hindi naman ganito si Estelle.



"Her father came here," naiiyak na sagot ni Tita habang si Tito naman ay nakasapo sa noo habang nakayuko, halatang umiinit ang ulo at nag-aalala sa kalagayan ni Estelle.



"What? Totoo?" hindi makapaniwalang ani ko.



Talagang hindi ako makapaniwala dahil simula nang bata pa si Estelle ay hindi niya alam kung sino ang Ama niya. Kahit hindi man niya sasabihin sa'kin kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling magkikita man sila ay alam kong magagalit siya nito.



"I'm going to her room, tita. Excuse me," paalam ko sa kanila at tumango silang dalawa.



"Cheer her up," Everett interrupted. Nakikita ang nag-aalala niyang mga mata.



"Duh, ako pa!" I flip my hair. Napangiwi naman si Everett.



Hindi na ako nagsayang ng minuto at tumahak na papunta sa kwarto ni Estelle. Nandito na ako sa labas ng kwarto niya, kumatok naman ako pero wala man lang ang sumagot. Kumatok ulit ako ng kumatok pero wala pa ding sumasagot kaya nagsimula na akong kabahan.



"Hoy bruha! Papasukin mo nga ako," pinilit kong maging maldita ang boses ko pero hindi man lang ito sumagot.



"Estelle! Wag ka ngang madrama diyan. Nag-aalala na ako kaya buksan m-"



Napatigil ako sa pagkatok at sa pagsalita ng marinig ko ang hagulhol nito galing sa loob. Mas kinakabahan ako sa nangyari sa kanya at labis nalang ang pag-aalala ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag basta gustong-gusto kong sipain ang pintuan niya para man lang makapasok ako sa loob.



"Estelle, please. Let me in!"



"I'm o-okay, don't come inside..." she mumbled. Her voice were shaky and cracked.



"Please..." napahawak ako sa noo ko. "Let me go in, talk to me, you can share me your problems. Come on, parang hindi ka naman sanay na magkwento sa'kin," mahabang paliwanag ko.



"I'm okay... P-please just leave me alone."



"As you wish Estelle, basta If you need someone to talk to, I'm here."



Wala na akong nagawa at bumalik nalang sa sala na nakabusangot ang mukha. Hindi ko talaga mapipilit ang desisyon ni Estelle dahil talagang paninindigan niya ito. That's her.



"It's okay Xynea, she will be okay," Tito stated, trying to make me calm.



"Yes Iha," sabat naman ni Tita.



Wala akong nagawa kundi tawagan si Aironia, Layne at Mariavale at kinwento kung ano ang nangyari kay Estelle pero sinabihan ko silang hindi muna sila pwedeng pumunta dahil gusto ni Estelle na mapag-isa.



"Anak," natauhan ako ng may pumasok pala sa condo ko, napabaling ako doon at laking gulat ko ay si Mommy ito.



"Why are you here?" napatayo ako sa gulat.



Nilibot niya ang kaniyang tingin sa condo ko at tumingin ulit sa'kin. "Is this condo enough for you? Mas malaki ang space doon sa ba-"



"It's enough," putol ko. "Sit down."



Kumuha kaagad ako ng maiinom sa kusina at binigay sa kaniya na nakaupo na sa sofa, nililibot parin ang tingin at parang hindi makapaniwala sa nakita niya. Well, it's her first time to go here.



Loved And Lost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon