Veintiseis

232 12 0
                                    


"U-uhm..."



I'm speechless. I can't even dare to talk back. I just wanted to be friends with him but he didn't wanted. Nahihiya ba siyang makipagkaibigan sa isang Highest Paid Supermodel?



Nanatili lang nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin habang nakapamulsa, kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya, hinihintay ang maaring isasagot ko doon.



Tumikhim ako. "I j-just want to be friends with you, nothing-"



"Xynea."



Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang narinig ang boses ni Timothy na tawag ang aking pangalan. Napabaling kaagad ako sa likuran at nakita ko kaagad siyang nakatayo doon habang diretsong nakatingin sa'kin.



Suot ang kaniyang kulay krema na long sleeve polodown shirts at ang kaniyang black khaki shorts, ang black Adidas rubbershoes ang suot nito sa kaniyang paa. Habang bitbit ang isang bugkos ng pulang rosas, napasulyap ito kay Harry at ningitian niya ito. "Harry."



Napabaling ako kay Harry na ngayon ay tumango at umigting ang panga, nanatili ang tingin kay Timothy. Biglang tumaas ang gilid ng labi nito kaya nagtataka akong nakatitig sa kaniya ngayon. "Timothy."



"Ralph Lauren," bulong ko sa aking sarili at bumuntong hininga ng maramdaman ang tensyon pagitan sa kanilang dalawa dahilan na nakuha ko ang kanilang atensyon.



"Let's go, Xynea," sambit ni Timothy kaya tumango nalang ako at binalik ang tingin kay Harry na ngayon ay nakatingin na pala sa'kin. "So? I'm leaving, take care," I chuckled nervously to lessen the awkwardness.



Tumango ito. "I don't want to be friends with someone who is already taken," he whispered but I heard it very clearly, and then he stepped inside the car.



Napamaang ako sa sagot niya at napaatras ng pinaandar niya na ang kaniyang sasakyan at umalis na dito sa parking lot. Nasa gilid ko na si Timothy ngayon habang tanaw pa rin ang unting-unti na pagkawala ng sasakyan ni Harry.



Napabaling ako sa kaniya at sa isang bugkos ng rosas na kaniyang hawak at tinaasan siya ng kilay.



He chuckled. "For you." He handed me the bunch of red roses but I just raised my brows on him. "What?" he utter.



"Why do you want to give me that?" I lifted a brow. "Uutang ka ba?" natatawang ani ko pero tinanggap ko naman kaagad ang rosas galing sa kaniya.



"Oo, uutang ako."



I rolled my eyes. "Name your price, beggar."



"Uutangin ko puso mo pero dahan-dahan lang ang bayad hanggang habangbuhay," walang hintong ani nito at ngumiti sabay taas baba ng kilay niya.



My mouth formed into "O" and my eyes widen. What the hell?



"Ano?!" natatawang ani ko. "You're so corny! Gosh, Where did that joke came from?" natatawang ani ko pa rin habang hawak na ang tiyan.



He let out a deep sighed and he pat my head. "I'm not joking."



Natigilan ako sa pagtawa at biglang napawi ang ngiti sa aking labi. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumalikod kaagad sa gawi niya. "L-let's go. You're very good at making me nervous, Timothy."



Hindi ko maiwasang magulat sa inasta ni Timothy kanina. Biglang nagbago nalang ang kaniyang galaw simula nong bumalik kami dito sa Pilipinas. Talagang nakaka shookt, mas sanay pa akong nag-aasaran kami sa mga walang kwentang bagay kaysa sa inaasta niya ngayon.



Loved And Lost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon