Treinta y uno

258 13 2
                                    

"Xynea!"



Napatalon ako sa gulat ng biglang tumambad sa'king harapan si Dail habang hawak ang malaking banner kaya nagtataka akong napatingin roon pero napangiti naman kalaunan.



The die hard fan is here!




"Dail," sagot ko nito at niyakap siya sabay halik sa pisnge nito.



"So! I'm so happy na ikaw pala ang surprise guest! Grabe ang power mo dahil talagang boom! Nag trending kaagad dahil ikaw ang special guest!" mahaba at madaldal na ani nito kaya napatango ako sabay ngiti.



"Hindi naman. Kahit wala ako ay mag bo-boom talaga ang The Legend."




"Pero nagtatampo ako, hindi mo man lang ako na spoil noong nakaraang gabi. Magkasama pa naman tayo!" napasimangot ito.



Napangiti ako ng pilit ng marehistro ang nangyari din noong nakaraang gabi, noong sumuka ako! Hindi siguro niya nakita kaya hindi niya ito nasambit ngayon. Pew! Better.




"Hindi kasi pwede..." I awkwardly replied.




"Sus! Basta I missed you," naiiyak na sambit nito kaya napangiti nalang ako sabay iling-iling at yumakap ulit ito sa'kin.



Nandito na kami sa labas ng Valestone Colliseum kung saan gaganapin ang concert ng The Legend. We are here now to start our practice. Nandito na talaga para hindi na magkandaloko pag sa araw na nang concert.



Si Dail lang ang napayagan galing sa fans club nila ang makapunta dito dahil ipinagbawalan ang iba pa. Syempre, hindi na magiging surprise ang gagawing performance ng The Legend pag silang lahat ang dadalo nu!



"So girls, let's go inside?" tawag ng babaeng staff sa'min kaya napatango kami ni Dail at napasunod sa kaniya.



Bumungad kaagad sa'min ang malaking stage at ang upuan na parang hagdanan, sobrang laki at malawak talaga ang colliseum na ito at hindi ko maiwasang mapahanga. Actually this colliseum was done constructing just a few months ago, and The Legend were the first going to perform here.



Bumungad kaagad sa'kin si Aldren habang nakangiting humahakbang papunta sa'kin, kasama sila Levi, Andrew at Adrianne.



"Good morning girls," masiglang bati ni Aldren at maypa kindat-kindat pa kay Dail.



Pero napako lang ang tingin ni Dail kay Levi at ganoon din si Levi sa kanya. I smell something fishy over here!



"Good morning," ako nalang ang sumagot dahil parang walang balak na sumagot si Dail dahil abala ito sa pagtitig kay Levi.



"Rise and sunshine handsome and gorgeous in the world!"



Napatingin ako sa aking likuran at bumungad kaagad sa'kin ang nakangiting Lee na bago lang ang dating habang humahakbang papunta sa'min, hanggang sa nasa harapan na namin siya.



Tinitigan ko siya ng matalim.



Hinarang din naman kaagad niya ang kaniyang kamay sa kaniyang harapan, nagkukunwari na natatakot. "Nakakamatay naman 'yang titig mo, Xynea."



"Bakit hindi ka sumipot noong mga nakaraang araw? Parang sira ako doon na naghihintay sa wala!" sigaw ko sa kanya dahilan na napatahimik ang nasa loob.



Ngayon ko lang siya mapapagalitan dahil hindi ko siya napagalitan kahapon e. Paano ko siya mapapagalitan e nandoon si Ceo Alvin! Tapos hindi man lang niya sinabi sa'kin kahapon kung ano talaga ang pag-uusapan namin.



Loved And Lost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon