GABI na nang makauwi kami ni Io galing sa groceryhan. Pagdating namin sa bahay ay tahimik ang paligid at walang katao-tao. Naligo lang ako saglit bago siya binalikan. Chinarge ko rin kasi yung phone ko dahil malapit na magdead batt.
Kuya and Rash left a sticky note. It's pasted on the fridge saying that they'll be back before 10. Si kuya Enzo wala ngayon dahil may inasikaso daw kasama ang mga katrabaho niya samantalang si Rasmuz naman may gala kasama ang mga barkada.
Io's timing is eventually great. Matuturuan niya ako ng maayos. Hindi sa nagtatago kami or what pero yeah parang ganon na rin. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay at tama lang dahil 'pag nandito yung dalawa ay baka isipin nilang baliw ako at kinakausap ang hangin habang nagluluto.
Nakatingin lang sa akin si Io habang inaayos ko ang mga pinamili namin. Thanks to him I experienced shopping kitchen items. Tsaka isa pa, wala rin talaga akong alam sa mga dapat bilhin for cooking purposes which is importante nga since para hapunan ko itong gagawin namin kaya mabuti talaga at kahit isang beses ay naranasan ko man lang mamili.
Si kuya naman kasi lagi ang nag-gogrocery. Oo at babae ako pero hindi naman lahat may alam sa ganyan. Mabuti sana kung issues at cases yan dahil madali lang. Pero hay nako, pag-identify nga ng sibuyas at bawang ay nalilito na ako... sa whole process ng pagluluto pa kaya.
"So? What would be our dish for tonight?"
"We would make something that'll meet the ingredients we have."
"So? Ano nga? Ikaw ang namili niyan Io kaya ikaw ang may alam kung ano ang dapat lutuin."
"Majesty, ikaw lang kakilala ko na walang alam pagdating sa ganyan pero grabe kung maka-akto at maka-alipin sa akin."
He said dramatically but wrying an idiotic smile. Napaismid ako. Kakilala? If I know, ako lang at ng creator niya ang kakilala niya. Napahawak ako ng sentido bago napalingo lingo at bumulong.
"As if may iba ka na kakilala."
"Actually, marami Maj."
Okay. Narinig niya. But yeah, whatever. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa lamesa. I really don't have an idea on how to cook. Ngayon na siguro ang panahon para matuto.
"Yung madali na recipe lang Io para di ako mahirapan."
He nodded. Right after, a virtual image appeared. I see... it is for tonight's agenda. Pero hindi lang iyon, napalitan din ang kabago bago lang na suot ni Io. From an office like outfit to a kitchen one.
He's wearing an apron with a white long sleeves on the inside and black pants on the bottom. Kung hindi lang talaga siya isang hologram, I could say the outfit made him look more handsome. It suits him well.
Io showed me the recipe he chose. Ang sabi niya ay isang typical na panghapunan daw ang kanyang napili kaya madali lang at hindi kami matatagalan.
"Glazed Salmon. Honey on Tomatoe Sauce Garlic Glazed Salmon to be exact."
"Ang haba naman. Wala bang mas maiksi na tawag diyan? Nakakabulol."
"Well I really don't know but it says here that cebuanos somehow somewhat called it as 'Escabetche'."
"Hmm Escabetche. Pangalan pa lang nakakagutom na. So... let's start?"
Nagsimula kami sa paghanda ng mga ingredients. Si Io ang tagasabi kung ano ang dapat na gawin at syempre ako naman ang tagasunod at ang gumagalaw.
There are atleast 10 ingredients needed. Nagtaka ako kung bakit may nag-glitch sa harapan namin yun pala ay ginaya ni Io lahat ng gamit na nakaparada sa mesa. From the ingredients down to the materials ay ginawan niya ng artificial duplicate.
BINABASA MO ANG
So Long, My Majesty
Science FictionToni's life as a news reporter is exciting. This changes when she ecounters an AI program, IO, who appears similar to the someone she finds hard to remember.