chapter 9

49 3 1
                                    

ALA una ng hapon at kadarating lang namin sa bahay ni lola. Gutom na gutom kami dahil wala kaming saktong kain bago magbiyahe. Biscuit at Chucky lang ang kinain namin sa apat na oras naming sakay sa bus. Hindi ako mahilig sa biscuit pero sa chuky oo pero kasi wala rin akong choice, yun lang ang pinack na makakain ni Kuya.

We gained more attention than expected when we arrived. They've seen Rash and I reporting news; they also knew kuya Enzo as the supervisor of the known Coffee Shop in the country, The Latinos.

One of our neighbors asked a question which we totally expected she would. We were flabbergasted when lola answered it meanly. Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa sagot niya.

"May pera naman kayo pero bakit hanggang ngayon, wala parin kayong kotse?"

"May isip ka rin naman pero bakit di mo subukang isipin ang sagot sa tanong mo?"

Hindi yata kinaya ni aleng Bily ang pabalang na sagot ni lola kaya't pumasok na lang siya sa kanyang bahay. Nagmano kami kay lola bago namin siya marahang hinila papapasok sa bahay niya.

"Grabe ka dun la. Hinayaan mo na lang sana alam mo namang ganyan talaga yung mga tanungan ni aleng Bily." Saad ni kuya habang nagmamano. Nagmano din kami ni Rash.

"Anong hahayaan? Nakakarindi yung mga tanong niya. Tsaka kayo, " Tinitigan kami ni lola "may sapat naman kayong pera ba't kayo nagbubus papunta dito at hindi na lang bumili ng sariling sasakyan? Gusto kong isipin ng lahat na ang mga apo ni Maritherese Sison Amorin ay may pera at may sapat na kaya sa buhay."

Kita mo to. Pinilosopo si aleng billy, sa amin din naman pala ipapasa ang sagot. 

Hindi ako nakasagot. No, hindi kami nakasagot. We always wanted to buy one but we were thinking if paano namin gagamitin when in fact, malapit lang naman ang pinagtatrabahuan naming tatlo? We're being practical. We've thought about it for so many times but we always ended up thinking all over again... back to square one.

No one answered. We remained silent kaya napabuntong hininga nalang si lola. Siguro ay dahil alam niya na rin ang isasagot namin. Nagpaalam kami isa isa kay lola na aayusin ang gamit sa aming kwarto at nang bababa lang kami pagkatapos para kumain.

May sarili kaming kwarto sa bahay dito. Sa katunayan ay hindi masyadong malaki ang 2 storey house niya pero sapat na para magkasya ang walong maliliit na kwarto. Tig-isa isa kaming magpipinsan kasama ang kay ate Patricia at ang kwarto ng tatlong magkakapatid which is ang mga tatay namin at ang isa ay sa lola at lolo.

Matagal tagal na rin noong huling punta ko rito. Naalala ko ay buntis pa si ate Pat non tapos ngayon dalawang taong gulang na ang baby niya, kaya hinuha ko ay mahigit dalawang taon na rin akong hindi nakabisita rito.

Walang nag-iba sa ayos ng kwarto ko maliban sa makikintab na sahig na sigurado akong bago lang pinalagyan ng wax ni lola sa mga katulong. Inayos ko lang saglit ang damit na dala ko which is for three days lang at agad bumaba sa hapagkainan.

Naabutan ko si kuya, si Rash at si lola na magkaharap at settled na. Nasa hapag na rin ang mga pagkain na siyang nagpatakam sa akin. Umupo ako sa silyang kaharap ni Rash. Magsisimula na sana ako sa pagkuha ng kanin nang pigilan ako ni lola.

"Magdadasal pa Majesty."

"Alright." I said half ashamed.

Lord, nawa'y patawarin mo ang aking kapangahasan. Gutom lang po talaga ako.

"In the name of the father and of the son and of the holy spirit..." Lola lead the prayer. Right after ay talagang dumiretso kami sa pagkuha ng pagkain.

So Long, My MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon