chapter 11

28 4 0
                                    

WE started our last day gathering ingredients and materials for the barbecue party. Naisipan ni kuya na magkaroon kami ng little gathering sa terrace since matagal pa bago kami makakabalik dito sa hometown namin. Nothing much happened yesterday maliban sa pagharvest namin ng mga prutas na dadalhin namin sa Lisan which nagamit din namin para sa juice.

Dumating din kahapon si ate Patricia kasama si kuya Wayne at ang dalawang taong gulang nila na baby. Hindi ko inasahan na mahohooked ako sa bata. Ang cute kasi ni Trayne tsaka kamuka niya si Rash noon. Pero di talaga mawawala ang pagiging makulit at sutil, nasa lahi na yata namin.

Pagsapit ng alas-tres ay sinimulan na namin ang pag-grill ng tinuhog na karne. Sinubukan kong mag-grill ng dalawa pero nasayang lang dahil nasunog. Gusto ko nga na maiyak dahil pinaghirapan ko yun. Pinagtatawanan pa nila ako kesyo kababae kong tao pero di ako marunong. Naupo na lang ako at inilagay ang mga paa sa kabilang upuan na nasa harap ko pagkatapos ay nilaro ang kamay.

"Huwag ka nang magmukmok dyan Toni. Wala ka lang talagang passion pagdating sa mga kusinang gawain." Si ate Pat.

Mapakla akong natawa at napabuntong hininga. Napailing nalang si ate at inalalayan niya ako para makatayo. Habang papalapit kami ni ate Pat ay binulungan ni Rash si Trayne. Nagtaka ako kung ano pero isinawalang bahala ko na lang.

Bumalik kami sa pwesto kung saan nag-gigrill. Ilang minuto din pala ang pagdadrama ko doon dahil kaunti nalang ang hindi pa naluluto at malapit na sila matapos. Sana lahat.

"Tata," si Trayne nakataas ang kamay, nagpapabuhat.

"Anget a po, anget a." Panget ako?

Lintek na Trayne. I pinched his cheeks at nilingun si Rash. Culprit locked. Karga karga si Trayne, nilakad ko ang pwesto ni Raah at binatukan. Napakamot siya sa ulo at pinagsabihan ni kuya Wayne.

"Naku Rash, wag mong turuan ng ganyan yung bata," Ani kuya na para bang kinakampihan ako kahit hindi naman. "at ikaw naman Toni wag mong batukan si Rash, mahal namin yan." Sabi pa ni kuya. Tumawa sila kaya't sinamaan ko sila ng tingin.

They continued grilling while I'm only watching them. Sa loob ng isang taon, isang beses lang din nangyayari ang gathering namin sa bakuran ng lola. I remembered the days when we're young back then, we always had a small picnic sa likod ng bahay ni lola. Those times were the moments together with our parents. Memories.

Kinuha ko ang juice na ginawa namin kahapon. Nakakakonsensya kaya na wala akong ginagawa samantalang sila busy sa pagsulong sa usok. Mag-isa kong tinungo ang kusina at naabutan si ate Narisa, anak ng mayordoma ni lola, na naghuhugas ng plato.

Nginitian niya lang ako kaya't nginitian ko din siya. Shy type si ate. Hindi na ako nagpaliguy-liguy at kinuha ko na ang sadya ko at bumalik din agad sa terrace.

The grilled meat were settled, not to mention na sa gilid ng lalagyan nito ay mga junkfoods. Ate Pat is arranging the table and kuya Wayne continues the grilling of meat. Rash is left with Trayne and kuya Enzo's missing. Nalaman ko nalang na bumili pala ng canned beer si kuya at binilhan din ng baby drinks si Trayne.

***

"Lintek! Ang sakit ng tiyan ko. Sana di ako magtae bukas sa biyahe." Pagsasalita ni kuya Enzo, haplos haplos ang tiyan.

Time check, 7 o'clock. I stretched my arms and yawned. My legs hardened probably because of sitting for hours. Pagkatapos maihanda ang lahat ay naglapag ng mat si ate Pat at doon na ako na stuck ng ilang oras, nilalaro si Trayne.

Si ate Pat, ako at si Trayne lang ang naupo sa mat. The boys also got the lounges. May lounges kami since may swimming pool kami dito noon, when we're kids back then pero dahil tumanda na kami ay pinatanggal ito ni lola at pinalitan ang dating pwesto nito ng Green House.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Long, My MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon