chapter 5

70 5 1
                                    

"I'M so jealous. Ikaw na talaga ghorl. Yan si kapitan feeling ko talaga may pagtingin yan sayo eh. Yung tingin na malagkit."

At natawa na talaga ako ng husto. Kanina pa siya dada nang dada tungkol sa pagtingin keme kuno. Hinampas ko na siya sa halos lahat ng upper body parts niya pero ayaw parin tumigil.

Nang matanggap ko ang mensahe ni Cloy, nagtalon talon agad ako sa bus kaso pinagalitan ako ng driver kaya ayon zip ang bibig at sakay nalang ulit. Ang hirap nun, pinigilan ko ang sarili kong di manghampas dahil sa tuwa.

Palabas kami ni Joana sa Jollibee. Kakatapos lang namin kunin ang last footage of the day which is ang sa EGC tapos naisipan namin na magfastfood nalang since malelate kami kapag nag resto pa. Kaya heto at kakatapos lang din namin kumain. Papunta na kami ngayon ng YGL.

According to her, the footages didn't show anything suspicious except that Mr. de Kierro was there at the morning before the crime had happened and which is also rare because Mr. de Kierro was never went to the EGC.

For now, I can't find anything significant and is connected to the crime but as I've said it's not part of my job- our job anymore which is to find the murderer. Atleast nabigyan sila ng clue kung sinu-sino ang last persons na kasama ni Mr de Kierro at last place na maaring pinangyarihan ng krimen.

At saka di parin nila na-identify kung sino ang pangalawa sa minurder na kasama ni Mr de Kierro. Ayon sa mga pulis, mahirap daw i-identify ang isa dahil puno ng sugat na gawa sa kutsilyo ang mukha nito. I checked it and they were actually right. Parang minassacre ang mukha.

Nasa tapat na kami ng building namin nang sinalubong kami ng van ng kabilang station. Nakakabadtrip lang at sa lahat lahat pa ng station na pwede naming makaharap ng building ay ang MSN pa.

Ever since the two stations were build, rivalry between YGL and MSN News started to bloom. And up until now it remains prominent and flamboyant. But don't get it the wrong way, we're actually friends with the employees. Rivals by station lang kami.

Naunang bumaba sa van si Bryan bago sumunod si Tacio na bitbit ang Canon XA11 Camcorder. Nakangising lumapit si Bryan sa amin samantalang kunot noo na tila badtrip naman si Tacio.

"Sir! Ang lapad ng ngisi natin ah tsk. Ganda na sana kaso ang ngipin... dilaw."

Mahina akong natawa sa biro ni Joana samantalang natanggal naman ang ngisi sa mukha ni Bryan.

"Ako? Yellow teeth? Hah! Kung akala mo mapapansin kita dahil dyan sa kutya mo... pwes nagkakamali ka."

Sagot ni Bryan sa pangungutya ni Joana sabay irap. Pero bago pa man patulan ni Jo si Bryan ay pinagitnaan na ito ng nakasimangot na Tacio sabay lakad diretso papasok sa MSN na inat inat ang leeg.

"Away ng away akala mo naman magjowa. Tsk tsk tsk."

Natigil ang dalawa sa pagbabangayan at tiningnan ang isa't isa sabay sabing iw. Natawa nalang ako at napalingu-lingo saka tinawag si Joana. Lumapit siya sa akin at hinawakan ko ang pulsuhan niya para makatawid sa kalsada.

As usual reklamo na naman ng reklamo si Jo kesyo inis na inis daw siya kay Bryan. 'The more you hate, the more you love' ika nga pero hindi rin eh dahil may jowa si Jo. Ay ewan sa kanila.

"Good afternoon Ms Amorin. Please go this way. Captain Salera told me so, kaya punta na po kayo sa office niya. "

Harang sa amin ng isang intern. Si Joana naman ay napaikot ng mata nang marinig niya ang apilyedo ni Cap.

"See? I told you Toni. Yan si Cap, may pagtingin talaga yan sayo. Anyway, punta ka na at naiinis ako sa presenya mong may bitbit atang swerte."

I rolled my eyes and jokingly push Joana towards the glass door of our department.

So Long, My MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon