Prologue

9 0 0
                                    

KASALUKUYANG naglalakad si Luna papauwi sa bahay nila. Bumuntong hininga ito habang hawak ang kanyang libro. Madilim na ang paligid taging ilaw na lang ng street light.

Nakasalamin ito at kulot ang kanyang buhok na aabot hanggang sa kanyang baywang.

Tumaas ang kanyang malahibo ng makadaan sa may mataas na pader. Bata pa lang siya ay nakikita niya na yan at wala man lang pinagbago. Tumataas ang kanyang balahibo sa tuwing dadaan sa pader na iyan. Napapailing na lang ito at hinayaan ang nagsisitaasang balahibo.

Kailangan niya pang mag-aral dahil malapit na ang exam nila. Gusto niyang maging cumlaude pagkagradute nito ng university. Para siya naman ang magtatrabaho at makapagpahinga na ang kanyang ina.

Nang makarating ito sa bahay ay nakita niya kaagad ang nanay niya. Lumapit ito at magmano.

"Ano po yang ginagawa niyo?" Takang tanong niya dito.

"Naghahanda na ako ng hapunan natin.." wika niya. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag kakain na." Bahagyang sinipat nito ang balikat ni Luna.

Tumango si Luna sa ina at umakyat sa kanyang kwarto. Inilapag nito ang kanyang libro at bag sa may study table niya at nagtungo sa bathroom para maligo.

Malapit nang ang kanyang birthday. Dalawang araw na lang iyon at excited siya para doon. Mabilis niyong tinapos ang kanyang paliligo.

Tinutuyo na nito ang kanyang buhok habang nakaupo sa kama niya. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng ina. Wala na ang kanyang tatay. Nanghihinayang ito dahil hindi man lang niya ito nakita kahit saglit lang.

Hindi maarte si Luna sa kanyang katawan. Kahit pulbos at liptint ay okay na sa kanya. Umupo ito sa study table niya at nagsimulang magbasa. Nilalaro nito ang ballpen sa kanyang kamay.

Nakita niyang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Tumayo ito at bumaba. Nakahanda na ang pagkain pero wala naman ang kanyang ina.

"Nay!" Pagtawag niya dito.

Nanlaki ang mata nito sa kanyang nakita.

+×+×+×+×+

iDea_koyan

Mytha University [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon