Kabanata 2

7 1 0
                                    


PAGKABANGON ni Luna sa kanyang kama ay tinignan nito ang kanyang phone. Wala pa ring text si Elton sa kanya.

'Ano kayang nangyari sa mokong na yun?'

Kinusot-kusot ni Luna ang kanyang mata. Nagtext na naman ito kay Elton.

To: Panget

Sabi ko kailangan ko ng kausap. Bakit hindi ka sumasagot. Hindi ka pa naman patay diba?

Inis niyang pinatay ang phone niya at tinaklom ang kumot niya. Bukas na ang birthday niya. Sakto at wala siyang pasok.

"Luna!" Napabalikwas ito ng marinig ang sigaw ng kanyang ina. Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Bumungad doon ang kanyang ina.

"Bakit nay?" Takang tanong niya.

"May manliligaw ka sa ibaba.." aniya na kinalaking mata nito.

Bumangon ito. "Wala akong manliligaw." Paliwanang niya.

Nagpamaywang si Angela sa anak. "E sino yung binata na may dalang bulaklak. Pinapasok na na siya. Kagwapo niyang bata.." saad nito.

Tumayo si Luna at lumabas sa kanyang kwarto. Sumilip ito sa ibaba. Napapikit siya ng makitang si Blake iyon at may hawak nga itong bulaklak.

Kaagad na bumalik si Luna sa kanyang kwarto. "Bakit siya pumunta dito ng ganito kaaga." Tarantang wika niya at pumasok sa bathroom para maligo. Si Angela ay natawa na lang sa anak. Bumaba ito para ipaghanda si Blake ng makakain. Mukhang nawala na ang lagnat nito.

"Naku hijo nagpapaganda pa yung anak ko.." paliwanag niya ng makababa.

"Okay lang po yun. I can wait po.." giit nito.

Tumango si Angela sa kanya. Nagtungo ito sa may kusina pero nakikita niya pa rin ang binata. Ito ang unang beses na may pumuntang nagliligaw ni Luna. May galak sa puso ng kanyang ina.

Dinala nito ang juice at inilapag sa center table. "Uminom ka muna.."aniya at iginaya ang juice.

"Naku thank you po.." inilapag niya ang bulaklak at simimsim noon.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Angela dito.

Umayos ng upo si Blake at nilinaw ang kanyang lalamunan bago magsalita. Gusto niyang maging maganda ang kakalabasan nito sa magulang ni Luna.

"Blake Vazquez po ma'am.."  magalang na sagot nito.

Bahagyang natawa sa kanya si Angela. "Wag mo na akong tawaging ma'am tita na lang.." wika nito.

Tumango naman ito. "Sige po tita.."

Pinagdikit ni Angela ang kanyang dalawa kamay at nagpadekwatro sa harapan nito.

"Ikaw pa lang ang unang lalaking nagpunta dito para ligawan ang anak ko.."  paliwanag niya.

"Ganoon po ba. Mabuti naman ako ang una.." nakangiting wika niya.

"Ay kagwapo mong bata.." papuri nito.

Bahagyang natawa si Blake. "Hindi naman po.." kinamot nito ang kanyang batok.

Sabay silang napabaling ng makarinig ng yabak. Si Luna na iyon na nakadress pa.

Natawa si Blake ng makita ito. "Hindi naman na kailangan na mag-ayos ng ganyan.."  wika nito.

Umupo si Luna sa tabi ng kanyang ina. Inaayos pa nito ang kanyang buhok.

"For you.." wika ni Blake at inilagad ang bulaklak na hawak.

Tumayo si Angela. "Maiwan ko na kayo.." wika nito.

Tumango naman silang parehas. Pinagkrus ni Luna ang kanyang kamay sa dibdib.

Mytha University [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon