Kabanata 3

5 0 0
                                    


PAGKAGISING ni Luna ay kaagad itong tinignan ang kanyang phone. Pero wala naman reply si Elton sa kanya kaya bumangon na ito. Birthday niya ngayon at excited siya para doon.

Nakangiti ito habang natungo sa kanyang bathroom. Napatingin ito sa salamin at bigla na lang natawa dahil sa kanyang itsura gulo-gulo ang kanyang kulot na buhok. Kapagkuwan saka siya naligo.

Iniisip nito kung nandito pa ang kanyang ama e di sana tatlo sila ng ina niya ang magsasapit ng kanyang kaarawan. Pero okay lang rin naman iyon sa kanya atlease nandiyan ang nanay nito.

Bumuntong hininga siya habang sinasabon ang sarili. Dahil na nasa collage naman na siya at ilang taon na lang malapit na itong magtapos gusto niyang bigyan ng bahay ng kanyang ina at patigilin ito sa pagtatrabaho para sa kanya.

Pagkatapos maligo ay bumaba na siya suot ang dress na abot hanggang sa kanyang tuhod. Kulay puti iyon.

Ngumiti siya abot tainga. "Magandang umaga.." bati nito pero wala namang sumagot.

Kumunot ang noo ni Luna at tinahak ang kusina. Kasalukuyang nagluluto ang kanyang ina. "Oh, Luna gising ka na pala. Happy birthday.." bati nito sa anak at binaba ang sandok na hawak at niyakap si Luna.

Yumakap naman ito pablik sa kanyang ina. Masaya talaga siya dahil kasama niya ito. Nang maghiwalay ang dalawa ay tinapik pa ni Angela ang balikat nito.

"Si Blake naghihintay sayo sa labas.." giit nito.

"Bakit hindi niyo siya pinapasok nay?" Takang tanong niya. Saka naguguluhan din ito kung bakit nandito na naman ang lalaking iyon.

"Sinabi niya kasi na naghihintay siya sa labas. Saka mukhang magdedate na naman kayo. Sagutin mo na kasi anak para naman magkaboyfriend ka na..." sinagi pa nito ang tagiliran ni Luna.

Bumuntong hininga ito ng malalim. "Sige po titignan ko siya sa labas.." giit nito at tumalikod sa ina.

"Luna, umuwi ka mamaya. May sasabihin akong importante sayo." Wika nito.

Hindi naman na nagawang lumingon ni Luna pagkatapos marinig iyon ay lumabas na ito ng kanilang bahay.

Totoo nga na nandoon si Blake. Nakasandal pa ito sa kanyang kotse at may hawak na bulaklak.

Tumayo ito ng maayos ng makita si Luna. "Happy birthday Luna.."  aniya at kumindat pa sa dalaga.

Kinuha naman ni Luna ang bulaklak sa kanya at ngumiti dito. "Thank you.." aniya.

"May pupuntahan tayo.." hinila pa ni Blake ang dalaga at pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Wala namang nagawa si Luna doon kung hindi ang sumakay. Wala nga siyang kaalaalam kung saan sila pupunta.

Nabaling ito ng magsimulang paandarin ni Blake ang kotse nito. "Saan tayo pupunta?" Tanong nito.

Saglit na bumaling ang binata dito. "Secret.." nakangising wika niya.

Tumingin na lang si Luna sa may daan. "Nakalimutan kong tanungin si Thor ay Celena kung saan yung bahay nila para makasama natin silang magcelebrate ng birthday ko.." nanghihinayang ito na hindi niya iyon tinanong.

"Luna, gusto talaga kita.." napatigil si Luna dahil sa kanyang narinig.

Pinagkrus niya ang kanyang kamay sa dibdib. "Alam kong gusto mo ako.." giit nito habang nakataas ang kanyang kilay.

"Bagay pala sayo yang suot mong dress. Para nga tayong ikakasal.." wika nito habang nakatingin ng diretso sa daan.

Binaling na lang ni Luna ang tingin sa bintana ng kotse. Para hindi makita ni Blake ang kanyang pagkapula. Nahihiya ito, hindi naman kasi dapat siyang kinikilig ngayon dahil sa mokong na ito.

Mytha University [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon