ISANG balingkinitang babae ang nakatayo doon. Ang kanyang tingin ay nakakamatay at kulay ng kanyang damit mula ulo hanggang ulo ay itim. Mayroon ding ahas na nakalagay sa kanyang balikat na kulay puti. Mahaba ang kanyang buhok at mukha pang bata ay malaking siyang sumbrero na nakalagay sa kanyang ulo.Napabaling si Luna sa kanila ng nagbow ang mga ito. Naguguluhan siya doon kaya nanatili itong nakatingin sa babae na nandoon.
"Sino ya--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Luna ng pigilan siya ni Celena mag-salita.
"Naamoy ko na may bangong pumasok sa university ng hindi ko alam.." aniya at naglakad papalapit sa kanila.
Seryoso ang tingin nito sa kanila. Napapahawak na lang ng mahigpit si Luna sa bed sheet dahil sa kanyang takot sa babae na nasa harapan.
"Ahhh!" Sigaw ni Thor at biglang nag-anyong wolf. Nagulat pa ang mata ni Luna ng makita iyon.
"Omg.." gulat na saad nito habang nakatingin kay Thor.
"Tsk. It's full moon so Thor will be wolf tonight.." ani Meige.
Gulat man si Luna doon ay bumaling na lang ito sa may babae na nasa kanyang harapan.
"What's your name?" Tanong nito sa kanya.
"Luna...Luna.." napahawak ito sa kanyang ulo ng hindi maalala ang kanyang apelyido.
Pinagkrus ni Madam Cleo ang kanyang kamay sa dibdib. "Anong ginagawa mo dito?" Muling tanong nito.
"Ahh...nakita ko lang po kasi na may meteo na bumagsak dito.." paliwanag niya.
"Mas mabuti pang bumalik na kayo sa klase niyo.." mariing wika ni Nurse May.
"Pero paano si Luna?" Takang tanong ni Celena dito.
Bumaling sa kanya si Madam. "Ako na ang bahala sa kanya.." giit nito.
Napalunok na lang ang dalaga saka tumango. "Aalis na kami may klase pa kasi. Promise babalikan ka namin." Wika nito kay Luna.
"Teka wag niyo akong iwan.." natatakot na wika nito.
"Wala namang gagawin sayo si Madam kailangan mo lang sagutin ang tanong niya." Paliwanag ni nurse May sa kanya.
Wala naman itong nagawa doon. Kahit na gusto niyang nandito sina Celena at Thor ay hindi puwede.
"Sorry kanina natakot ka yata sa akin.." ani Thor dito.
Umiling iling ito sa kanya. "Hindi naman. Okay lang ako."saad naman niya.
"Bye......." paalam ni Eirine habang tumatagos sa dingding.
Hanggang sa makaaalis na sila doon at nauwin na lang sina Luna, Madam Cleo at nurse May.
"Pumunta ka sa office ko.." wika niya at tumalikod kay Luna.
Tumango tango lang ito. Baka kasi kung anong masabi niya kapag nagsalita ito.
'Anong gagawin niya sa akin doon..'
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Nang magtaas ito ng tingin ay walang na doon ang babae.
Taka itong bumaling kay nurse May. "Meow?"
"Nasaan na siya?" Takang tanong nito.
"Umalis na siya. Tara ihahatid kita sa office niya meow.." inalalayan pa siya nito na maglakad.
Kasalukuyan na silang naglalakad sa hallway. Maraming tanong sa isipan ni Luna kaya bumaling siya kay nurse May.
"Bakit ngayon ko lang nakita yung university na ito? Makaling pader ito dati.." aniya.
BINABASA MO ANG
Mytha University [On-Hold]
FantasiaThe school were mythical creature are allowed. The legendary Mytha University is now open. Beware who is in you back. Paraalang pinamamahalaan ng isang maganda at balingkinitang dalaga. Walang nakakapantay sa kanyang kapangyarihan hanggang isang ar...