Kabanata 1

12 1 0
                                    


HINDI makapaniwala si Luna sa kanyang nakikita. May pak-pak na parang sa angel ang kanyang ina. Kunusot-kusot nito ang kanyang mata pero wala naman na iyon. Baka namamalik mata lang ito.

"Oh? Hinahanap mo ako?" Takang tanong nito.

Hindi makapagsalita si Luna. Inalog alog niya ang kanyang ulo. Baka sa dami ng binabasa niya kaya siya nagkakaganito.

"Haha...opo nanay.." magalang na wika nito.

Sabay silang bumalik sa may kusina at umupo. Nagdasal muna sila bago kumain. Kapagkuwan ay nagsimula na silang kumain.

"Luna, malapit na ang exam. Nakapaghanda ka na ba?" Tanong ng kanyang ina.

Marahang tumango si Luna dito. Inayos niya ang kanyang salamin. "Opo nay, gusto ko pong maging cumlaude pagdating ng graduation. Gusto ko pong tumigil na kayo sa pagtatrabaho. Pagod na pagod na kayo para may ipang bayad sa may tuiton fee." Wika nito.

"Ano ka ba resposibilidad ko na pag-aralin ka anak..." wika ni Angela sa kanyang anak.

"Malapit na po ang birthday ko.." masayang wika nito.

"Anong gusto mong regalo anak?" Sumubo ito ng pagkain.

Bahagyang tuwa si Luna. "Nay, wish ko na mapahinto ang oras?" Patanong wika nito.

"Hindi mo yun magagawa Luna.." natatawang wika ni Angela.

"Haha..joke lang yun. Libro na lang po.." sagot nito.

"Ganoon ba. Pagiipunan ko yan.."

"Naku wag na nay. Okay lang ako kahit walang regalo.."

Tumigil ang kanyang ina sa pagkain at tumitig dito. Malapit na ang eighteenth birthday ni Luna kailangan na niyang malaman ang lahat.

"Anak, si Elton dumaan nga pala kanina hinanahap ka.." wika ng kanyang ina.

Bahagyang natawa si Luna sa kanyang narinig. Madalas na dumaan si Elton ang kanilang bahay para kamustahin si Luna. Sa ibang university kasi siya nag-aral. Malapit na kaibigan ni Luna ang binata. May mahaba itong buhok na halos matakpan na ang kanyang mata.

"Sayang hindi ko siya naabutan. Bukas na lang po, maaga akong uuwi. Gusto ko rin siyang makita e.." giit nito at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

"May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Takang tanong ng ina.

Nag-angat ng tingin si Luna dito. Bumuntong hininga ito. "Wala nay. Ano ka ba ilang beses ko nang sinabi sa iyo iyan.." paliwanag niya.

Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon sa kanyang ina. Pero iba ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"Haha...tinatanong ko lang naman. Saka malapit ka nageighteen inaalala lang kita. Hindi ko pa nakararanas na mapasok sa isang relasyon.."

"Hindi ko naman gustong magkaroon ng marelasyon nay. Wala yan sa motto ko.." wika niya.

"Oh siya, siya. Kumain na lang tayo at nag-aaral ka pa.." nakangiting wika ni Angela.

Tumango naman si Luna sa kanya. Pagkatapos na maghapunan ay umakyat na ito sa kanyang kwarto. Habang busy sa pagbabasa ng libro ng tumunog ang phone nito. Inayos niya salamin bago iyon sagutin.

Isang magiliw na boses ang kanyang narinig sa kabilang linya. "Babe, nasa playground ako ngayon. Wanna meet?" Si Elton ang nasa kabilang linya.

Tumaas kaagad ang kilay ni Luna. "Anong babe ka diyan. Kaya napapagkamalan tayo ni nanay e." Giit niya.

"So you wanna meet? Hindi kita nakita kanina.." alam ni Luna na nakapout ito.

"Papunta na diyan. Istorbo ka e.." napahawak ito sa kanyang noo. Nagsuot siya ng jacket at saka bumaba. Dala-dala pa niya ang librong binabasa.

Mytha University [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon